^ kahit sa Binance Filipino telegram channel meron pa ring scammer. talaga nga naman kabayan natin gustong mang-scam ng kababayan. magpanggap ka newbie dun sa channel makakareceive ka agad sa inbox na representative daw sila ng team ng USDT. dios mio.
pero totoo may future ang crypto sa Philippines, wala nga lang talagang institution na magpasimunong magturo sa mga Filipino.
kahit ngayung ang pinag-usapan natin sa telebesyon ay puro traffic sa Edsa at bangyan sa politika. pero sa ibang bansa ang pinag-uusapan naa nila ay pagbili ng Gold at crypto ETF na. sabi nga ng isang influencer wala talagang financial literacy tinuturo sa Filipino kundi puro pag-iipon lang.
merong Gcrypto ang Gcash at ang Maya nag-introduce din sila ng crypto pero walang detail na sinasabi sa app. bitin ang info.
- Yan ang nakakalungkot na katotohanan talaga, karamihan parin talaga na mga politiko sa bansa natin puro pansariling interest lang ang inuunan palagi. Kaya dapat talaga huwag ng bumoto ng mga artista o kilalang tao sa mundo ng social media, mas maganda yung mga puro professional na lawyer at yung meron talagang pagmamalasakit sa ganitong field.
Kaya lang wala parin akong nakikita sa kanila na meron talagang concern sa ganitong field ng cryptocurrency, Sana isang araw may sumulpot naman, para tayong mga crypto enthusiast ay magkaroon din ng sinasabing tagapatanggol natin sa field ng crypto space.