Hindi ko alam kung madali lang ba iset-up yung ganyan kasi hindi ko pa naman nasubukan. Sa tingin ko naman kasi na kahit kaya mong iset-up ang sarili mong strategy sa exchange na yan ay hindi sigurado kung palaging makikita ang ganoong setup sa market. Marami na din kasi nagsabi basi sa kanilang karanasan na kumikita sila sa simula pero kinuha rin ulit sa market pati capital. Kaya para sakin, hindi sya good for long term. Alam naman kasi ng smart money ang mga strategy kaya minamanipula nila ito upang matalo tayo.
Kaya nga need mo parin syang bantayan kung alam mong babagsak or tataas pa pwede mo naman syang icancel agad pero depende talaga sa setup kung nag analysis kana sa chart at alam mong after a day or weeks ang prediction mo yan dapat na setup ang iapply mo sa AI.bot risky nga lang kung ang analysis mo hindi naayon sa galaw ng market.
Masmaganda pang mag trade ka at pag aralan ang future trading need mo ng techincal analysis at mag set ng rule sa sarili mo para profitable ang trade mo.
Yung pinaka effective na rule ay 1% risk kada trade kaya dapat quality lang din ang position mo kaya need mo mag technical analysis bago ka sumabak kung saan ang magagandang position kasi pag nag enter ka lang nang walang analysis sugal na tawag dun kasi wala kang analysis hindi mo alam kung san papunta yung presyo isa din yung fear at greed kaya natatalo kung day trader dapat pumili ka sa dalawa kung swing trader ka usually breakout ang ininintay ng swign trader at trader na naghahanap ng magandang position 1:2 or 1:3 usually ang target profit at risk nila for every trade.