1
Philippines (Tagalog) / Re: Bakit Mas Sikat at Ginagamit ang Binance sa Pilipinas?
« Last post by jeraldskie11 on Today at 07:14:13 PM »Pwede ngang ganyan kabayan, pero sa tingin ko gagawa muna sila ng babala sa mga tao na gumagamit pa rin ng Binance na pwedeng makulong kung mananatiling gagamit ng kanilang app. Kaya sa tingin ko, kahit na malaman ng SEC kung sino-sino ang gumagamit ng Binance ay wala pa rin silang magagawa sa mga ito. Kaya siguro tinitake advantage ng iba ang pagkakataon dahil sa tingin nila wala namang masamang mangyayari sa kanila kapag nagpatuloy sila sa paggamit ng app.Malaking bagay kasi na pwede ang binance sa bansa natin at madami tayong nagsasabi na maganda ang serbisyo nila. Hindi ko muna ito ginagamit dahil nga sumusunod ako sa batas at baka humingi ng report yan sa mga telcos para sa mga ips at users na umaaccess pa rin sa binance dahil noong unang araw ng ban ay nakareceive ako ng ganyang message gamit sa ibang pc noong nag access ako noong panahon na yun.Nagbigay na ng statement yung Binance at walang problema sa kanila tungkol sa mga gustong mag deposit pa sa kanila at wala ding problema ang withdrawal kaya kahit sino ay pwede pa rin. Pero mag ingat lang din tayo dahil batas ang kalaban natin at nagbabala naman ang SEC natin kung paano tayo magwithdraw. Mukhang hindi pa rin naman tapos itong issue na ito at baka magkaroon pa ng magandang balita para maging legal si Binance sa bansa natin.Hindi naman tayo ang kalaban ng SEC kundi yung Binance kaya wala tayong dapat ipag-alala. Pero dahil nga batas ito, maaaring nagpapakita lamang tayo na lumalabag sa batas kung patuloy parin natin itong ginagamit. Kaya mas mabuti ng huwag na muna natin itong gamitin sa ngayon, ilipat ang mga funds sa ibang exchange at maghintay. Pero sa kabila nito, hindi talaga natin mapipigilan ang mga kababayan natin na gumamit ng Binance hanggat pwede pa kasi nasasanay na kasi tayo sa interface ng Binance.