Tingin ko yung sa deal ni Digong at Xi, tungkol yun sa exploration sa lugar na yan na dapat ay 60/40 pero iba na ang pangulo ngayon at hindi na itutuloy ang exploration diyan. Kawawa talaga lahat ng pinupuntahan ng US at sana hindi tayo matulad sa Ukraine at Syria.
Ito na lang siguro ang isa sa mga option joint exploration pero kung halimbawa pumayag tayo baka magulangan tayo at in the end magamit lang yung deal para makasakop pa ibang mga territoty ang China.
Kasi very imposing kasi ang China ang iginagalang lang nila ay kung ano yung gusto nila mangyari kaya nakakatakot ding pumasok sa isang deal kasi kahit may deal pwede naman nila ito balewalain kasi yung mga diplomatic protest natin balewala lang sa kanila.
Yan na talaga ang gobyerno nila, ang focus nila ay palawakin ang teritoryo nila. Alam nila na di tayo aggressive kaya sinasamantala nila yun dahil mahina lang din ang militar natin. Para sa akin, wala naman na tayong magagawa at pumayag nalang sa exploration na yan. Kesa naman wala tayong mapakinabangan diyan dahil tinutulak nila yan at gagawin lahat kaya provoking din ang ginagawa nila, mas mabuti nalang na makinabang tayo sa exploration diyan. Yun ay opinyon ko lang naman at magkakaiba tayo ng POV sa bagay na yan.
well ganun talaga ang mundo. everybody wants to rule the world ika nga. pero kung wala ang China jan sa Masinloc at Panatag shoal at ang US ang nanjan sa mga islang yan, malaman sira-sira na ang China at baka mukhang Afghanistan ang bansang yan.
alalahanin natin na nasa kanila pa ang Alas sa ngayon. darating din ang panahon na kaya natin pasabugin ang buong China. pero baka hindi sa lifetime natin. baka sa year 3034.
pero ngayon na nagkaganito na ang situwasyon na dinala na nga ng marcos ang US dito at ganyang ang nangyari sa gentleman's agreement. bakit pa magtitiwala ang China sa governo ng Pilipinas kung hindi naman i-honor ng next administration? kaya baka mag-goodbye na rin tayo sa exploration na yan. dahil sosolohin nila yan.