follow us on twitter . like us on facebook . follow us on instagram . subscribe to our youtube channel . announcements on telegram channel . ask urgent question ONLY . Subscribe to our reddit . Altcoins Talks Shop Shop


This is an Ad. Advertised sites are not endorsement by our Forum. They may be unsafe, untrustworthy, or illegal in your jurisdiction. Advertise Here Ads bidding Bidding Open

Author Topic: Ang Algorand ay isang perpektong blockchain na proyekto para sa DeFi  (Read 1945 times)

Offline Scofield

  • Baby Steps
  • *
  • Activity: 16
  • points:
    769
  • Karma: 0
  • Trade Count: (0)
  • Referrals: 0
  • Last Active: December 12, 2020, 08:55:50 AM
    • View Profile

  • Total Badges: 8
    Badges: (View All)
    10 Posts First Post Third year Anniversary
PINAGMULAN NG PAGSASALIN [nofollow]
By: shadowofsatoshi


Ang Decentralized Finances (DeFi) ay isang maasahab at nagpapaunlad sa kabihasnan ng mga cryptocurrency. Mayroon itong perpektong usecase para sa mga pampublikong blockchain, habang maaari itong matapang na makipagkumpitensya sa mga tradisyunal na serbisyo sa banking. Bagaman hindi lahat ng blockchain ay angkop para sa Defi, dahil kailangan nitong matugunan ang mahigpit na pamantayan tungkol sa seguridad at ilang iba pang mga katangian ng mga proyekto ng blockchain.

Ang Algorand ay isang Pure Proof of Stake na proyekto na may kalamangan sa kalahata
Ang Algorand ay isang desentralisadong pampublikong blockchain na plataporma para sa mga smart contract gamit ang PPoS (Pure Proof of Stake) algorithm upang makapagtapos ng consensus sa loob ng network. Ang algorithm ay may mababang computational complexity at mabilis at murang mga transaksyon sa paghahambing sa Proof of Work blockchain. Ang finality ng mga block ay nasa maximum na 5 segundo at ang tagapagtaguyod ng block pati na rin ang mga verifier ay pinipili nang sapalaran at lihim sa bawat block dahil sa paggamit ng Verifiable Random Functions. Ginagamit ng Algorand ang native cryptocurrency na ALGO.

Sa likod ng Algorand blockchain, mayroong Algorand Foundation na pinamunuan ni Silvio Micali, co-author ng Zero-Knowledge Proof technology at may-hawak ng Turing Award para sa kanyang trabaho sa kriptograpiya.


Bakit ang Algorand ay isang mahusay na proyekto para sa DeFi?


Scalability
Ang mga proyekto na gumagamit ng Proof-of-Work tulad ng Ethereum 1.0 ay sobrang limitado sa kanilang mababang antas ng permeability upang maghatid serbisyo sa milyon-milyong mga gumagamit gamit ang mga proyekto ng DeFi. Nakita natin ang kabiguang ito sa kaganapan na tinawag na “The black Thursday”, kung saan noong ika-12 ng Marso 2020 ang presyo ng Ethereum ay bumaba nang malaki, na nagresulta sa napakalaking liquidation sa Maker DAO.

Ang Algorand ay may kakayahang umabot sa 1000 TPS (transactiom per second [transaksyon bawat segundo]), kaya ang scalability ay hindi isang isyu sa Algorand blockchain. Bukod pa dito, hinatid kamakailan ng Algorand ang pag-upgrade ng kanilang Smart Contract Architecture, na nagpapahintulot sa paggamit ng Layer-2 para sa mga smart contract. Na siyang dahilan upang maging mas scalable ang Algorand blockchain.

Mga mababang fee sa transaksyon at katatagan
Ang kanilang konektado na problema sa black Thursday ay ang presyo ng GAS, na sumulong ng pagtaas sa 900%. Dahil dito, hindi naidagdag ng mga gumagamit ang collateral sa kanilang posisyon sa MakerDAO at ang kanilang mga pautang ay nai-undercollateralized sa sandaling bumagsak ang presyo ng Ethereum. Ayon dito, naganap ang pag-liquidate ng kanilang mga posisyon. Dahil lamang ang maxGasPrice na parameter gwei ay may posibilidad na tumaas mula sa average na 10 gwei hanggang 300 gwei sa isang punto.

Hindi iyon mangyayari sa Algorand, kung saan ang presyo ng transaksyon ay nakatakda sa 0,001 ALGO sa sandaling ito.

Seguridad
Ang block finality sa Algorand ay nasa ilalim ng 5 segundo. Kaya, sa loob ng 5 segundo, ang mga transaksyon sa Algorand blockchain ay pinal at hindi na maibabalik pa. Iyan ang nagdudulot ng kaligtasan sa Algorand na maging napaka ligtas at mahusay para sa mga layunin ng DeFi, kung saan ang seguridad ay kinakailangan.

Ang Algorand blockchain ay hindi kailanman nagfo-fork, dahil sa paggamit ng Verifiable Random Function, at pinakamalakin na 1 node ay nakatakda upang palaganapin ang isang bagong block sa blockchain.

Ang iba pang kadahilanan, kung bakit mas ligtas ang Algorand kaysa sa iba pang mga blockchain ay gumagamit ng isang Turing incomplete programming language para sa mga smart contract TEAL (Transaction Exmission Approval Language). Naniniwala ang Algorand, na ang pagiging kumpleto ng Turing ay hindi kinakailangan para sa karamihan ng mga kaso ng paggamit at may makabuluhang mga puwang sa seguridad, na lumalabas na totoo, halimbawa, sa panahon ng DAO hack sa Ethereum blockchain. Ang Solidity, ang wika ng Ethereum smart contract programming language, ay kumpleto na sa Turing.

Ang wikang TEAL ay nagbibigay din ng pagiging simple, kung saan hindi mahirap isulat at i-debug ang mga smart contract at pati na rin pinabuting oras ng execution.

Suporta ng Stablecoin
Ang pag-upgrade ng Algorand 2.0 ay nagdala ng Tether (USDT) sa Algorand blockchain. Habang ang Tether ay tumatakbo na sa iba't ibang mga blockchain tulad ng Ethereum, EOS, Tron, at mga Omni na protocol at Liquid Network, ito ang stablecoin na may pinakamalaking cap sa merkado at pati na rin sa liquidity. Ang tether kasama ang prestihiyo nito ay isang nangingibabaw na stablecoin sa larangan ng crypto.

Bukod sa Tether, posible na magpatakbo ng ilang iba pang mga stablecoin sa Algorand blockchain. At hindi lamang ang sentralisadong mga IOU tulad ng USDT o USDC, kundi pati na rin ang mga crypto-collateralized tulad ng DAI o SAI.

Ang mga stablecoin na inisyu sa Algorand ng kanilang pamantayan sa ASA (Algorand Standard Asset), ginagamit nila ang mga pangunahing bentahe na kung saan ay may mahusay na antas ng seguridad, labis na scalability, mabilis na finality ng transaksyon, at pati na rin ang mababang fee sa mga transaksyon.


Konklusyon
Ang tagumpay ng Algorand ay depende sa antas ng adapsyon. Ito ay konektado sa marketing at mga bagong pakikipagsosyo sa blockchain. Kaya kahit na ang mga perpektong teknolohikal na solusyon ay hindi tiyak sa tagumpay kung wala silang praktikal na kapakinabangan.

Sa adapsyon, makakatulong ang antas sa komunidad at ekosistema ng Algorand. Ang Ethereum ay may makabuluhang bentahe bilang nauna sa pagkilos ng mga plaraporma ng smart contract. Ngunit ang mga proyekto tulad ng Algorand ay maaaring makahabol sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinakamahusay na teknolohikal na mga pagpapabuti at tampok.

Ang Ethereum ay mayroon nang maraming mga decetralized application [desentralisadong aplikasyon] (DApps) at ang mga proyekto ng DeFi na tumatakbo dito tulad ng MakerDAO, Compound, o dYdX. Ang mga proyekto tulad ng Algorand ay dapat magbigay ng kanilang mga solusyon sa DeFi na nagtatampok ng kanilang mga pakinabang tulad ng isang mahusay na antas ng seguridad, perpektong scalability, at mababang fee sa transaksyon. Ngunit dapat nilang dalhin ang mga solusyon bago ang ganap na paglipat ng Ethereum sa Proof-of-Stake kasama ang kanilang mga pagpapabuti sa Ethereum 2.0. Matapos mangyari iyon, maaaring huli na upang magsimula sa mga bagong proyekto ng DeFi, dahil ang mga kalamangan ay hindi magiging makabuluhan.

Sa mapanlikha na mga pagpapabuti tulad ng Algorand Standard Assets na binuo mismo sa Layer-1, ang Algorand ay napaka-maaasahan na manlalaro sa larangan ng smart-chain upang maging isang perpektong blockchain para sa integrasyon ng DeFi.



Mga larawan: Pixabay.com



Mga Mapagkukunan


Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum


This is an Ad. Advertised sites are not endorsement by our Forum. They may be unsafe, untrustworthy, or illegal in your jurisdiction. Advertise Here Ads bidding Bidding Open


 

ETH & ERC20 Tokens Donations: 0x2143F7146F0AadC0F9d85ea98F23273Da0e002Ab
BNB & BEP20 Tokens Donations: 0xcbDAB774B5659cB905d4db5487F9e2057b96147F
BTC Donations: bc1qjf99wr3dz9jn9fr43q28x0r50zeyxewcq8swng
BTC Tips for Moderators: 1Pz1S3d4Aiq7QE4m3MmuoUPEvKaAYbZRoG
Powered by SMFPacks Social Login Mod