Mukhang nagkakakulay na ang usapan kabayan , bale syempre yong mga nakaraang stand ng SEC is para mapuwersa na ang Binance na mag comply and nagtagumpay naman sila kasi nagbitaw na ng salita ang binance na temporary lang daw ang issue now , at yon na nga mukhang magiging maayos na sa susunod na mga araw at makakabalik na tayo ng maayos sa pag trade gamit ang binance.
Sana nga kabayan para naman mapanatag na kalooban natin na muling magamit yung services na inooffer ni Binance since para sakin ito yung pinakaconvenient compared to other CEX.
Batuhan kasi yan sila ng demand kaya medyo magulo talaga sa ngayon hanggang magkaroon ng final decision kung ano ang mangyayare. Ang mahalaga naman sa ngayon ay nagkaroon na ng statement galing sa Binance, for now hintayin nalang siguro natin kung ano ang magiging final discussion or decision ng pag comply ng Binance team. Kung magkakasundo ba sa demand ng SEC o ano ang gagawin ng Binance para maayos ang issue na ito. Wala pang final kaya yun ang need natin hintayin.
Yeah tama ka dyan kabayan yung official announcement lang talaga ang need natin both sides para wala nang speculations nakakastress kasi yung balibalita lang lalo na sa socmed at mainstream media na prone sa mali. 😅
Sa ngayon sa ibang mga exchange muna tayo magnda rin naman sa okx sa ngayon gusto ko sana sa bitget dahil may mga reward silang na ready sa mga nagtetrade kahit bago ang exchange pero sa totoo lang mas safe tayo sa mga exchange na una nating mga nagamit tulad ng okx na dating okex at Binance na proven nang protected ang mga funds nila laban sa mga hacker.
Sana may balita nang dumating dahil mas maganda parin ang mga rate sa Binance chaka nasa Binance ko lang napapapalit yung pixels ko na maganda rate.
Yeah for now kabayan I am currently using Bybit, OKX, MEXC at Bitget. Pero yung sa MEXC daming shitcoins dyan saka parang may napansin akong unusual na nangyayari dyan lalo na sa mga bagong list na coins.