Sa isang punto tama ka, JazzRock. Pero mas maganda at ok talaga kasi naranasan ko, kapag sumali ka sa Signature Campaign ng isang project, isama mo na lahat ng bounties meron sila na pwede mo ring salihan, solid ang rewards na matatanggap mo. Ang isa pang bentahi noon, dahil ERC20 o tokens ang iyong rewards sa exchanges mo lamang pwedeng silang i-convert sa coins, ex. btc, eth, etc. Kaya makakatipid ka sa gas (fee) papunta sa exchanges (Binance, Bittrex, etc) kung saan sila tradable mula sa iyong local wallet. Pero kung ang sasalihan mo ay Twitter campaign lang o kahit kasama pa ang Facebook at ang nakuha mong rewards (tokens) ay equivalent lang sa $10 pagod lang ang aabutin mo kung dadalhin mo pa yan sa exchanges. Di kasi pwede pagsama-samahin ang iba't ibang tokens sa iisa transaction lang papuntang exchanges. Kaya marami akong ERC 20 tokens totalling $113 sa aking MetaMask wallet nakatambay lang.