Medyo nasubaybayan ko yon XRP brader dahil XRP mostly ang hino-hold ko sa ngayon at ginagamit sa gambling at masasabi ko na kahit nag-ATH na yong bitcoin ay wala pa ring significant movement sa presyo ng XRP, status quo o wala pagbabago sa presyo nya pero baka sa paparating na halving ay susunod na siya na umakyat ang presyo.
Di ako holder ng xrp pero tignan mo yung paparating na ginagawa nilang stablecoin.Siguro may dalang impact yun sa presyo ng xrp na kahit na nag ath na siya dati, pwedeng maging malapit yun sa price niya kumpara dati na hindi man lang kumilos dahil nga may active na Sec issue siya.
Totoo na malaking tulong sa pagtaas ng presyo kapag may bagong update ang isang project. Pero may mga dapat tayong i-consider gaya ng chart at status ng market. Kaya kahit na napakaganda ng update na yan sa XRP hindi pa rin natin masasabi na mag-eexplode ang presyo nito kasi kung titingnan natin yung chart ng XRP, walang magandang pattern na tataas ang presyo at napakarami ding resistance sa itaas. At sa kasalukuyan ang Bitcoin may posibilidad na magreretrace, kaya kung magtuloy-tuloy ang pagbagsak ng presyo ng Bitcoin ay mahihirapan na paakyatin ang presyo ng XRP kahit maganda pa ang funda nito.
May napanuod ako sa YouTube na kung saan pinaguusapan Yung Ethereum spot etf this coming May 23 2024,.. na kung saan ang Sabi kapag naprubahan daw Yung Eth spot etf, ay maghanda daw Yung mga Xrp holders dahil magkakaroon ng big rally dyan.
Ngayon, kahit na alam kung May mga behind whales talaga sa Ripple at makikita kung magkakaroon nga tlaga ng rally at sasabay ako s hype at trend nito kahit sa short-term kasi possible din na may katotohanan Yung pinag-uusapan nila.
Oo maugong rin yang ETH Spot ETF, dami rin naghahanda dito kasi nga alam naman natin na marami tyak ang mag iinvest dito na parang Bitcoin Spot ETF na sa umpisa parang walang epekto, pero biglang bulusok ang presyo ng Bitcoin at ngayon nga humataw para sa new all time high before halving.
Kaya marami talagang positive news kahit sa altcoin. At ilang araw na lang, halving na pagtapos unti unti na naman ang pagtaas ng presyo, sabihin na lang natin na for this year muna baka pumalo tayo sa mahigit $90k.
Ako ito yung assessment ko dude, after ng bitcoin halving isang linggo nalang ba mula ngayon? Basta after ng event na ito ng halving sa bitcoin next month naman May 23 ay ETH spot ETF naman ang susunod na event, na kung saan kapag naaprubahan talaga yang ETH spot ay magkakaroon ng altcoins bull run, na sa aking palagay din ay dalawang bull run ang mangyayari ngayong taon na ito.
Pero after ng bitcoin halving 4-5 to months magkakaroon muna dyan ng correction or estimated ko ay nasa 30% na retracement period bago magsimulang magrally si Bitcoin, at pag ngyari naman ito ilang buwan ay sasabay naman din ang altcoins season, kaya nakikinita ko na madami talagang magpapaldo itong bull run na ito sa totoo lang na mga community sa field ng crypto space.