Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Off topic => Topic started by: Jun on August 05, 2018, 02:53:11 PM

Title: may alam ba kayo ba't kumikislap ang mga bituin? hindi ko nasagot ang bata
Post by: Jun on August 05, 2018, 02:53:11 PM
may alam ba kayo with scientific evidence para masagot ko ang nagtanong sa akin
Title: Re: may alam ba kayo ba't kumikislap ang mga bituin? hindi ko nasagot ang bata
Post by: jings009 on August 05, 2018, 05:57:10 PM
Ayon kay Impong Tasyo ganito raw ang kuwento
(Alamat / Legend)

Noong unang panahon, malapit ang langit sa lupa.  Iisang lalaki at iisang babae ang nakatira noon sa mundo.  Ang pagtatanim ng palay ang kanilang ikinabubuhay.  Noon, binabayo pa nila ang palay bago sila magsaing.  Kung ano ang hirap ng pagtatanim ay ganoon din ang hirap ng pagbabayo ng palay.
Minsan, maagang umalis ng bahay ang lalaki upang magtanim ng palay.  Naiwang nag-iisa ang babae sa bahay.  Upang hindi tanghaliin ng pagsasaing, naghanda naman ang babae ng pagbabayo ng palay.  Inalis din niya ang kanyang suklay.  Isinabit niya ang mga ito sa kalapit na punongkahoy.  Nakita rin ng babae na wala ng gatong ang apoy sa tabi ng punongkahoy.  Upang hindi mamatay, nanguha siya ng kahoy at kanya itong ginatungan.  Saka pa lamang siya nakapagsimulang magbayo ng palay.

Nagbabayo pa ang babae nang dumating ang lalaki.  Upang maging madali ang pagbabayo, tinulungan ng lalaki ang babae.  Napansin ng lalaki na maliit ang halong ginagamit niya kaya mahina itong ibayo.  Pinalitan niya ito nang higit na malaking halo.

Sa tuwing itataas ng lalaki ang halo, tumatama ito sa langit.  Tumawag at nanalangin ang lalaki kay Bathala, Tumaas sana ang langit!

Sa isang iglap, umugong nang malakas.  Tumaas ang langit.  Nadala sa pagtaas ng langit ang suklay at kuwintas ng babae.  Nadala rin ang palayok at ang apoy na nasa tabi ng puno.  Ang suklay ay naging biyak na buwan.  Ang mga butil ng kuwintas ay naging bituin.  Ang palayok ay naging bilog na buwan at naging araw naman ang nagliliyab na apoy.

Ngayon ang mga ito ay makikita natin sa langit.  Kapag madilim ang gabi, kumikislap ang mga bituin at maaalala natin ang butil ng kuwintas ng babae.  Sa pagbilog at pagliit ng buwan maaalala naman natin ang suklay at palayok ng babae.  Sa pagsikat ng araw tuwing umaga ay maaalala naman natin ang nagliliyab ng apoy na nakasama sa pagtaas ng langit.

Title: Re: may alam ba kayo ba't kumikislap ang mga bituin? hindi ko nasagot ang bata
Post by: mikaela23 on August 06, 2018, 08:43:11 AM
ayos may kwento pala un. sa akin siguro ang bituin ay isang katawan ng iba ibang plasma sa dakong labas na kalawakan na binibigkis ng sarili niyang balani (grabedad) at may sapat na bigat upang masustentuhan ang kanyang pagsasalikop nukleyar sa kanyang siksik na ubod. Ang pagsasanib ng mga nukleyong atomiko ay nabubunga ng enerhiya na tuloy-tuloy na lumalabas sa buong buhay nito. Ang ating Araw ay halimbawa ng isang bituin. Sa Kalawakang Araw natin, lumilibot ang mga tala o planeta kasama ang ating Lupa. Ang pinakamalapit na bituin sa ating Kalawakang Araw, at ang ikalawang bituin na pinakamalapit sa Lupa ay ang Proxima Centauri. Ito ay may layong 40 trilyong kilometro. Ito ay 4.2 liwanag na taon o light years kung saan ang liwanag mula sa bituing ito ay darating sa Lupa pagkaraan ng 4.2 taon.

Nalalaman ng mga astronomo ang mga katangian ng isang bituin sa pagmamatyag ng kanya espektrum, ningning at kilos sa kalawakan. Makakaiba ang mga bituin sa kanilang kabuuang bigat, komposisyong kimikal at edad. Ang kabuuang bigat ng isang bituin ang pangunahing pang-alam sa pag-inog at kahihinatnan nito. Ang iba pang katangian ng isang bituin ay inaalam sa kasaysayang pag-inog nito tulad ng diametro, paglibot, kilos at temperatura. Ang krokis ng temperatura ng bituin sa ningning ay tinatawag na Hertzsprung-Russell diagram (HR-diagram), na nagtataya sa tamang edad at katuyuang pag-inog nito.

Sumisilang ang isang bituin sa pagsasalikop ng ulap na pangunahing binubuo ng mga hidroheno kasama ang ilang helio at mangilan-ngilang mabibigat na elemento. Kapag sapat ng siksik na ang ubod nito, ang ilang hidroheno ay magsasanib upang makabuo ng helio na pamamagitan ng pagsasalikop nukleyar. Ang natitirang loob ng bituin ang nagdadala ng enerhiya palayo at palabas ng ubod sa pamamagitan ng radyasyon at mga prosesong convective. Ang enerhiyang ito ay nagbubunga ng simoy bituin sa rabaw na isisingaw naman sa kalawakan.

Kapag naubos na ang parikit na hidroheno sa ubod nito, ang isang bituin na may mabigat ng 0.4 beses sa bigat ng Araw natin o higit pa ay lalaki upang maging isang pulang higante na magsasalikop ng mga mabibigat na elemento nito o sa talukap ng ubod nito. Pagkatapos, magigiba ito upang magamit muli ang ilang materya nito sa interestelang kapaligiran nito kung saan bubuo ito ng bagong henerasyon ng mga bituin na may mas mataas ng proporsyon ng mabibigat ng mga elemento.

Ang dalwahin at sistema ng magkakadikit na mga bituin ay binubuo ng dalawa o higit pang mga bituin na binigkis ng kanikanilang balani at kalimitang lumilibot sa bawat isa sa isang matiwasay na libutan. Kapag ang dalawang bituin ay masasabing magkalapit na libutan, ang kanilang pagniniig pambalani ay may matibay na impluwensiya sa kanilang pag-inog.
Title: Re: may alam ba kayo ba't kumikislap ang mga bituin? hindi ko nasagot ang bata
Post by: rhubygold23 on August 23, 2018, 04:20:13 AM
Sa akin kabayan kaya siguro kumikislap ang bituin kasi maputi siya kaya kumikisla siya o kaya kumikinang siya.