tama ka dyan kabayan , yong mga newbie kasi eh ang init ng tingin sa crypto market ,akala nila eh umaagos ng pera dito kaya ganon nalang kalaki ang expectation nila sa mga investments nila.
and masyado sila nagmamadali na kunin ang kita kaya madalas eh mali ang desisyon nila pero sa ating mga matatagal na dito eh kadalasan kuntento na tayo sa maliit pero siguradong kita.
Umaagos naman talaga ng pera sa investment, yun nga lang dapat ay may sapat kang kaalaman pagdating sa anong amount ka papasok sa investment nila sa Bitcoin. Karamihan kasi talaga sa kanila kapag na-hype sa kakilala nilang Bitcoin investor ay papasok na din sila sa investment ng hindi nila naiintindihan na kaya kumita yung taong yun dahil maaga siya nag invest sa Bitcoin.
Kapag nalugi sila at naipit sa highest peak ni Bitcoin, diyan na papasok yung decision-making nila kung mag hohold ba sila, aalis sa investment, o bibili ng ibang crypto para makabawi sa investment.