Ako ay isang baguhan sa larangan ng cryptocurrency trading, di ko pa nga nasusubukan mag-trade... 'yong tunay na trading wika nga. Meron akong account sa Binance, Bittrex, at iba pang exchanges, ngunit ginagamit ko lang mga iyon para ibenta doon ang ERC20 token na aking kinita kapalit ng Bitcoin o Ethereum. Kapag meron bumili winiwidro ko patungo sa aking wallet sa coins.ph at ikina-cashout sa Php. Ngayon, sa usapang presyo tinagurian nilang Bull ang pataas at Bear naman ang pababa. Di pa ba sapat na sabihin na lang na pataas at pababa ang merkado... sa wikang Inglis, market is up or market is down.