1
Philippines (Tagalog) / Re: Magkakagera na ata Philippines vs China, anong mangyayari sa BTC dito?
« on: Today at 04:12:36 PM »Nabalita nga yan sa Cagayan na madaming mga Chinese students. Tapos yang mayor ng Bamban. Okay lang sana kung ano talaga ang origin niya bilang tao at citizen kung nasa legal na process kasi may mga kababayan din naman tayong naging mayor sa ibang bansa pero legal naman. Kay mayor ng bamban kasi parang shortcut process tapos ang daming questionableng mga papeles at tingin ko kaya siya nandun para lang talaga sa backer sa mga POGO.Panibago nanaman yang Sabina shoal at itong grupo naman ng akbayan nagdadagdag pa ng pangtitrigger na maglalagay ng floating bola na atin ang WPS.
In connection dyan sa nagaganap sa West Philippine Sea, mukhang nagkakaroon ng infiltration na nagaganap ito nga ay dunarami na yung mga Chinese na student daw at officials nagkakaroon ng posisyon sa gobyerno.
Isa na dito ay yung kaso nung mayor ng Bamban sa Tarlac na si Alice Guo na masyadong kaduda duda ang pagpasok sa Pilipinas at meron pang koneksyon sa mga POGO, ang nangyayaring ito ay parang tip of the ice berg marami pang mahahalukay na pwedeng magbunyag na may intelligence na dito ang Chinese government.