Baka isipin ng karamihan na ito na ang magiging weak low bago mag-explode ang presyo ng Bitcoin. Pero marami pang zone na posibleng puntahan ng presyo kase may mga imbalances pa na hindi pa nafifill. Tingnan nyo sa $45k na presyo, posible talaga yan puntahan. Kaya mainam din na DCA ang gagamiting strategy, huwag agad ubusin ang funds baka may ibababa ang presyo.
Nakakagulat talaga ang presyo ng bitcoin sa ngayon lalo na kung ikaw ay baguhan sa pag-invest gamit ang bitcoin siguradong mai-stress ka sa kakatingin sa mga pulang chart pero tama ka kabayan, gumamit lang ng DCA para kahit papaano ay hindi masyadong malayo or medyo makakabawi pa tayo kung aangat siya ng kaunti.
Iniexpect natin na abutin ng presyo ng Bitcoin kapag nag-explode ay $100k kaya kikita pa rin tayo kapag hindi tayo gumamit ng DCA. Kaya lang, parang babagsak pa kasi ang Bitcoin hanggang $45k. Kaya para sakin, effective ang DCA. Pero kung sa tingin mo talaga hindi na bababa ang presyo ng Bitcoin o yan na talaga ang higher low, mas mabuting ibuhos mo na lahat ng natitirang funds mo na gusto mong iinvest.
Parang go with the flow na ang mangyayare kung ganyan ang gagawin. Much better kung mag plan and have a final decision kung pano ipapasok ang remaining USDT sa Bitcoin. Check nalang muna yung mga support at kung sakaling mabasag ang support saan pwedeng abutin ng price, at kagaya niya na may mga gap sa price na pwedeng balikan anumang oras, mag set na lang din ng amount na gagamitin for investment.
Yes, go with the flow nga, konting pakiramdaman at kapa kapa kung ipapasok natin sa USDT para hedge o hayaan na lang natin to at alam natin nating rerecover ang lahat pagtapos ng halving.
Ngayon nga, biglang taas na naman ang presyo although kung tititingnan nating ang halving price at ngayon eh halos parehas lang naman.
So ibig sabihin wala na talang movement sa ngayon at ang magandang gauge talaga eh pagkatapos ng taon, at makita natin kung nasan ang presyo ang ang impact ng halving.