Magaan sa pakiramdam ang dating sa akin ng altcoinstalks papu kumpara sa ibang forum kaya naman napakahalaga sa akin nito. Dito sa forum na ito siyempre pa, ay nabibigyan tayo ng pribiliheyo na kumita. Idagdag pa iyung pagkakataon na mapatunayan natin sa sarili natin at maipakita sa iba na meron tayong kakayahan na makapagbahagi ng kahit konting kaalaman patungkol sa makabagong teknolohiya ay isang malaking karangalan para sa akin.