Ang dahilan ng pagbabago ng presyo ng isang bagay ay pwedeng mahati sa mga sumusunod:
• Technical Analysis - Ang pag-aaral sa mga nakalipas na presyo, dahil kung pag-aaralan mabuti ang mga nakalipas na presyo ay merong makikitang pattern kung kailan tumataas at bumababa ang presyo ng isang bagay.
• Fundamental Analysis - Ang pag-aaral ng mabuti sa mga produkto, sa kung sino ang nagpapatakbo, at sa katayuan o ano ang kasalukuyang nangyayari sa isang produkto, dahil kung ang isang bagay ay maituturing na magandang produkto, ang nagpapatakbo ay mapagkakatiwalaan, at magaganda ang balitang lumalabas ukol dito sigurado na ang presyo ng bagay na iyon ay tataas.
• Price Manipulation - Ang anumang pag manipula sa presyo ng isang bagay, maaaring ang presyo ay pataasin o pababain. Karaniwang halimbawa nito ay ang Pump and Dump.
Pero ayon sa theorya ng nagpost sa medium meron pang isang bagay na dapat tignan at ito ay ang
Cartel.
Ano nga ba ang
Cartel?
Ang
Cartel ay organisasyon na ginawa ng mga grupo ng mga nagmamay-ari o mga supplier ng isang produkto upang kontrolin ang supply ng produktong kanilang ibinebenta para manipulahin ang presyo ng produktong iyon. Katulad ng nabalitang cartel ng bawang dito sa Pilipinas kung saan umabot hanggang 200pesos kada kilo ang bawang, ngunit ang ginagaya ng cartel sa bitcoin ay hindi pataasin ang presyo nito kundi pababain ang presyo.
Nagmula ang kanyang theorya sa pahayag ni
Leo Melamed, ang chairman ng CME Group (dating the Chicago Mercantile Exchange),
"We'll 'Tame' Bitcoin"Ano nga ba ang ginagawa ng Cartel na ito sa bitcoin?
Ang ginagawa ng Cartel ay hindi price manipulation kundi price suppression kung saan kapag tataas na ang presyo ng bitcoin ay mas lalo pa nila itong pinapababa.
Credits to Super Crypto, the original poster in medium
https://medium.com/@super.crypto1/4th-dimension-bitcoin-manipulation-cartel-can-it-be-burnt-no-way-c53de65c166a
Ang presyo ng bitcoin ay pababa ng pababa, ano sa tingin ninyo? Totoo kaya na may cartel ang bitcoin o natural correction lang talaga ang nangyayari dahil na rin sa biglaan ding tumaas ang presyo ng bitcoin?