Maaliwalas, malayo, hindi na mapipigilan, maliwanag, maganda, matatag.
Ilan lamang ang mga katagang iyan sa kung paano ko ilalarawan ang hinaharap ng Altcoinstalks forum. Sa ngayon ay hindi ko masasabing malalampasan nito ang kabilang forum. Uulitin ko, "sa ngayon". Kumbaga eh, nauna silang ipinanganak. Pero hindi ko sinasabing imposible dahil lahat ay posible. Dahil naniniwala ako sa angking talino, kakayahan at puso ng mga nangangasiwa dito and that their vision for this forum is "beyond imagination". Kaya naman hindi malayo na magising tayong lahat isang umaga na, Altcoinstalks is already on the front line.
Mga ka-komunidad, bilang miyembro, let us all do our part by simply being a good member[adhering to all the rules and regulations and doing our job intelligently]. Patuloy din po nating i-endorse sa buong mundo ang Altcoinstalk forum.