1
Philippines (Tagalog) / Re: Magkakagera na ata Philippines vs China, anong mangyayari sa BTC dito?
« Last post by jeraldskie11 on Today at 01:13:46 AM »Alam naman ng magkabilang Bansa na kapag sinimulan ang giyera, possibleng maapektohan ang kanilang ekonomiya kasi gagastos sila. Kaya yung ginagawa ng China ngayon maaaring pananakot lang pero hindi ibig sabihin na walang casualties na mangyayari. Kasi kung titingnan natin yung nangyari sa Russia at Ukraine, apektado talaga ang kanilang ekonomiya sa wala lamang mabuting naidulot sa kani-kanilang Bansa. Kaya alam rin ng China ito, na hindi sila mag-aaksaya ng maraming pera para sa giyera. Kaya hanggat kaya nilang hindi gumawa ng hakbang para sa giyera ay gagawin nila ito.Dati yung gyera ng Ukraine at Russia parang may epekto sa presyo ng Bitcoin kasi bumagsak ilang weeks pagkatapos magsimula ang giyera. Alam natin na may epekto talaga sa economiya ang gyera at may nabasa ako na isa rin itong pagkakataon upang makapag-invest o makapag-ipon ng currency dahil babagsak ang presyo lalo na yun mga fiat money. Pero hindi ibig sabihin na parati itong gumagana sa crypto. Lalo na yung about sa China at Pilipinas, napakaimpossible na matuloy ang giyera pero para sakin wala ito masyadong epekto sa Bitcoin, wala naman sigurong mga malalaking investors sa Bitcoin dito sa atin.
hindi impossible ang gera rito lalo pa na nagdala ng missile ang US dyan sa balikatan nila. ewan ko na lang kung anong gagawin ng China dyan dahil nag-iisip rin naman sila ng kanilang seguridad.
ikompara mo yan sa gagawin ng US kung ang Cuba na kagaya ng position natin geographically dun sa US at ang Cuba ang may BrahMos missilw, ewan ko na lang kung hindi nila bombahan na takakot takot na supersonic. ginawa na nila dati yan sa Cuba. at na recreate dito ang katulad na situasyon na Cuban missile crisis.
ang pilipinas ay walang experience sa gera at umasa tayo sa US na tutulong.