Saakin experience lang kaya lumipat din ako sa binance dahil na rin sa layo ng presyo ng Bitcoin sa coins ph at Binance mas ok ang rate ng Binance at wala pang fee pag withdraw or pag nag p2p ka no fee ang transaction mo sa gcash or sa maya hindi gaya sa coins ph na may bayad.
Madaming dahilan kung bakit lumipat ang mga tao sa Binance dahil na rin sa medyo maghigpit sila at minsan nga na tatanong ako kung san galing ang mga winiwithdraw kong Bitcoin sa kanila syempre pinoprovide ko yung sheet ng campaign na sinasalihan ko at mga airdrop na nakukuha ko pero dapat private yun at minsan nahohold pa yung withdrawal parang feeling ko tuloy delikado pa sa coins ph at baka mayari pa yung funds mo na gusto mo iwithdraw.
Sa ngayon nag dedevelop sila ng coins pro pero di parin ako kontento dun kasi kulang parin sila sa mga assets na pwedeng itrade at mga tools kulang pa kung maga trade wala yung features nila na tradingview o yung iba pang mga tools na available sa Binance na hindi mo makikita sa coins pro.
Mahirap intindihin kung bakit Binance and pinipili pero sa tingin ko ito ay dahil madami ang pairs at madali lang mag register.
Ngayon, humahabol na ang coins.ph sa pag dami ng pairs. Dati hindi ko masyado ginagamit yun dahil konti lang ang mga pairs nila eh pero ngayon at least madami na ang pagpipilian.
Ang pinopoint ng SEC e yung mga investment kagaya ng cloud mining at staking sa platform ng binance kaya ang SEC nag decide na iban ang Binance kasi alam nila na maraming mga pinoy ang gumagamit ng Binance.