Yan nga din yung sinabi ko dito sa section na ito kabayan, maganda din sana sa MExc pagdating sa launchpad kaya lang ang sakit sa bangs ng requirements, imagine 1000 MX, tapos ngayon bumaba ang price nya nasa 5.39$ each edi magkano yan mahigit 5k$ ang kailangan na kabuuan ng mx na meron ka sa Mexc.
Kaya hindi rin ako nagtataka kung bakit hindi ganun kadami ang nakikilahok sa launchpad sa MEXC, sana manlang babaan ng MEXC yung amount requirements nila kung gusto nilang magkaroon ng malaking community ang kanilang platform. Kaya ang nakakaavail lang yung may mga malalaking fund o hold ng MX ang madalas lang nakakaavail ng airdrops for sure.
Ayun nga lang ang taas na niya, naka add to favorites sakin yang MX plan ko kasi dati mag launchpad nung price palang ay 2$+ pero nag dalawang isip ako dahil mas pinili ko mag invest sa ibang coin.
Pero kahit ganun pa kataas yan, kung may group of friends ka na trusted mo at interested sa launchpad pwede yun mag corpo para win win situation sa lahat. Gaya ng ginagawa namin ng friends ko, trusted naman lahat kaya nakakapag corpo kami.
Maganda din naman ang ginawa ng MEXC na taasan yung minimum requirement para hindi maging crowded ang launchpad nila. Yung mga solid holders lang talaga ng coin nila ang makikinabang ng launchpad.