Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Off topic => Topic started by: Cordillerabit on September 07, 2018, 06:49:46 PM

Title: Pinoy Jokes Pasok
Post by: Cordillerabit on September 07, 2018, 06:49:46 PM
Share your jokes here mga master, Ako na Mauuna


Si Juan at ang Reporter


Reporter: Sir, mainterview ko lang po kayo saglit tungkol sa mga kalabaw niyo.
Juan: Okay
Reporter: Saan niyo po sila pinapaliguan?
Juan:Yung itim o yung puti?
Reporter: Yung itim po.
Farmer: Ah, Sa sapa yung itim
Reporter: E yung puti?
Juan: Sa sapa rin.
Reporter: (tumaas ang kilay) ah ganon po ba.
Ano naman po pinapakain niyo sa kalabaw niyo?
Juan: Yung itim o yung puti?
Reporter: Yung itim po
Juan: Ah, damo
Reporter: Eh yung puti po?
Juan: Damo rin
Reporter:(medyo napipikon na) E san niyo naman po sila pinapatulog?
Juan: Yung itim o yung puti?
Reporter: yung itim!
Juan: sa ilalim ng puno.
Reporter: eh Yung puti?!
Juan: Sa ilalim din ng puno.
Reporter: (di na maitago ang inis) Bakit mo pa tinatanong kung itim o puti e parehas lang naman ang sagot mo!
Juan: ah, kasi yung itim na kalabaw sa akin kasi yon.
Reporter: E yung puti kanino?
Juan: Sa akin din.

 ;D
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: Cordillerabit on September 07, 2018, 06:57:12 PM

Si Juan at ang Guard



Juan nakamotor papasok ng subdivision.

Guard: Sir, pangalan nyo?
Juan: Juan ho.
Guard: Naku sir, pasensya na. Nakaban kayo.
Juan: Ano? Nakita mong nakamotor ako tas sasabihin mong nakaban ako. San ka nakakita ng ban na dalawa ang gulong?
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: Cordillerabit on September 07, 2018, 07:01:41 PM

Si Juan at Pedro

Juan: Tanungin mo ako ng English, sasagutin kita ng Spanish.
Pedro: What is more important? Heart or Mind?
Juan: Spanish!!!
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: Cordillerabit on September 08, 2018, 04:20:45 AM

Ang Hari at si Juan


May isang hari na gustong malaman kung sino ang pinaka-matapang sa kanyang kaharian. Kaya pinuno nya ng pating, piranha, buwaya at ahas ang kanyang giant swimming pool...

HARI: kung sino man sa inyo ang lalangoy mula sa isang dulo hanggang sa kabilang bahagi ng swimming pool na ito na hindi namamatay ay gagantimpalaan ko ng kahit anong gusto niya... pera, chiks, o kapangyarihan.
Matagal na katahimikan. Walang nag-volunteer. Hanggang sa may narinig na lang silang splash ng tubig. Si Juan ang lumalangoy sa pool. Ang bilis niya. Na-ilagan niya lahat ng pating, piranha, buwaya at ahas. Umahon siya sa kabilang bahagi ng pool na humihingal...
HARI: pedro, dahil sa iyong katapangan may gantimpala ka. pera, chiks, o kapangyarihan... ano ang gusto mo?
Juan: mahal na hari (hingal)... ang gusto ko lang (hingal)... ay malaman... kung sino ang sira ulong nagtulak sakin papatayin KO
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: arvinabeabe on September 11, 2018, 05:10:24 PM
havey hahaha  ;D ;D
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: Kyoshiro on September 13, 2018, 02:47:29 PM
(http://tse2.mm.bing.net/th?id=OIP.oPqjvVyYDSkTS5AwS4MxRgHaIs)

Eto brad, iba't ibang klase ng utot :)
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: Nikko on September 14, 2018, 06:02:36 AM
Share your jokes here mga master, Ako na Mauuna


Si Juan at ang Reporter


Reporter: Sir, mainterview ko lang po kayo saglit tungkol sa mga kalabaw niyo.
Juan: Okay
Reporter: Saan niyo po sila pinapaliguan?
Juan:Yung itim o yung puti?
Reporter: Yung itim po.
Farmer: Ah, Sa sapa yung itim
Reporter: E yung puti?
Juan: Sa sapa rin.
Reporter: (tumaas ang kilay) ah ganon po ba.
Ano naman po pinapakain niyo sa kalabaw niyo?
Juan: Yung itim o yung puti?
Reporter: Yung itim po
Juan: Ah, damo
Reporter: Eh yung puti po?
Juan: Damo rin
Reporter:(medyo napipikon na) E san niyo naman po sila pinapatulog?
Juan: Yung itim o yung puti?
Reporter: yung itim!
Juan: sa ilalim ng puno.
Reporter: eh Yung puti?!
Juan: Sa ilalim din ng puno.
Reporter: (di na maitago ang inis) Bakit mo pa tinatanong kung itim o puti e parehas lang naman ang sagot mo!
Juan: ah, kasi yung itim na kalabaw sa akin kasi yon.
Reporter: E yung puti kanino?
Juan: Sa akin din.

 ;D
Hahaha.  Dami kong tawa dito. Magandang off topic thread to papz, kasi minsan nabobored tayo, kaya dapat talaga may mga jokes din na topic.
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: Nikko on September 14, 2018, 06:14:17 AM
Boy: May pick up lines ako
Girl: Sige ngaaaa
Boy: "UNCLE, AUNTIE, MAMA, PAPA, LOLO"
Girl: Ang dami naman
Boy: Isa-isahin ko unahin ko kay UNCLE?
Girl: Sige game na (excited)
Boy: Ikaw na ba si UNCLE?
Girl: Bakit?
Boy: Ikaw kasi UNCLElangan ko
Girl: Naks
Boy: Ohh, ikaw ba si AUNTIE?
Girl: bakit?
Boy: ikaw na AUNTIEnitibok ng puso ko
Girl:Wow ahh.
Boy: ohh ikaw ba si MAMA?
Girl: Bakit?
Boy: na "MAMA"halin ko habang buhay?
Girl: (kinikilig na)
Boy: Ohh baka ikaw naman si PAPA?
Girl: Bakiiiit?
Boy: ikaw na kasi ang PAPAkasalan ko pag dating ng araw.
Girl: Ang galing naman neto mambola ehh ano yung LOLO?
Boy: Ah, eh kasi kanina pa kita niLOLOko hahaha✌✌😀
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: Crypto on September 14, 2018, 06:21:28 AM
Sermon sa misa...
“Ang kayamanan at pera ay maiiwan natin sa lupa kapag tayo ay namatay, walang pera sa langit”— pari

Anak: Narinig mo nay? edi nasa langit na pala tayo
Nanay: Ha?
Anak: Kasi wala tayong pera
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: Crypto on September 14, 2018, 06:23:55 AM
May isang INTSIK na namatay at napunta sa heaven..
Nagtanong siya kay San Pedro..
INTSIK: Ano dyan sa kabila?
San Pedro: impiyerno. Super init dyan.
INTSIK: ako lipat dyan
San Pedro: huh? (nagtaka) bakit?
INTSIK: AKO TINDA HALO-HALO
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: cheneah on September 18, 2018, 12:36:42 PM
"Sa kalagitnaan ng gera:

Pedro: sumuko na kayo! wala rin kayo mapapala.
Terorista: susuko lang kami kung mai-spell mo yung ceasefire?
Pedro: ituloy ang laban! patay kung patay! Padadalhan ko kayo ng crysanthemum sa inyong libing!
Terorista: spell crysanthemum!
Pedro: sabi ko rose, bingi ka ba? Laban kung laban..walang spellingan!"
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: cheneah on September 18, 2018, 12:42:45 PM
May isa pa po.. :D :D :D :D

Pedro: 'tol Ano bang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1 coffee. Kanina ka pa silip nang silip diyan.
Juan: Hinahanap ko yung libreng asukal. Nakasulat kasi sa karton "SUGAR FREE."
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: jings009 on September 21, 2018, 08:10:13 AM
Sa Isang Jeep…

Pasahero: Mama, Magkano Po Yung Pasahe?

Driver: 7.50 Yung Minimum

Pasahero: (Dumukot ito sa bulsa para kunin yung pera niya, ngunit sa di sinasadyang dahilan kulang yung pamasahe niya.) Patay, kulang yung Pera Ko. Paano kaya ito? (Nag isip ito at lumingon sa Driver. Napansin niya na Duling ito. Sabi niya sa kanyang sarili, tama duling yung Driver sigurado pag nagbigay ako ng 3.75 di niya mapapansin na kulang yung Pera ko. Kasi Doble yung paningin nito. Inabot niya sa Driver yung Pera.

Ngunit laking gulat niya nung may sinabi yung Driver sa kanya.

Driver: Kulang ito ah!

Pasahero: Anong kulang? Di ba sabi mo 7.50 yung Minimum?

Driver: Oo nga 7.50 eh Dalawa kaya kayo.
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: rhubygold23 on September 21, 2018, 09:41:31 AM
JUAN NAKAKUHA NG 99% SA EXAM

Teacher : Ang score ni Juan sa exam ay 99%.

Juan : Ohh anu!!! Kaya niyo yan? Hindi pa ako nag-rereview nyan. Huwag na kayo mag-aral kung ako sa inyo umuwi na lang kayo. Low IQ!! Mga utak manok kayo! Nangingitlog na naman kayo, sinasayang niyo lang tuition niyo. (mayabang na sabi ni Juan sa kanyang mga kaklase).

Teacher : The rest 100%
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: rhubygold23 on September 21, 2018, 09:48:04 AM
Nakipagkita ang isang lalake sa kanyang kabit isang gabi at sinabi ng kabit na mas gusto niya na walang bigote at balbas ito sa mukha.

Kabit: Leo, ayaw ko sa bigote mo. Pero mas type ko sa lalake yung clean cut at walang balbas.

Leo: Pero gusto ng asawa ko itong balbas ko. Magagalit yun kapag inahit ko itong balbas ko.

Kabit: Sige na love, gusto ko talaga ng malinis ang mukha at walang buhok.

Leo: Sige na nga!

Bumigay din si Leo sa gusto ng kanyang kabit at nagahit ng balbas sa mukha. Nung gabing iyon paguwi niya sa bahay nila ng asawa niya, dahan dahan siyang humiga sa kama, dahil tulog na ang kanyang misis. Nagising ang asawa ni Leo at kinapa ang mukha niya.

Misis: Mario, hindi ka dapat andito! Pauwi na mister ko!

Aray ko!
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: rhubygold23 on September 21, 2018, 09:50:51 AM
Pinagdiriwang ni Lolo Jose at Lola Delia ang kanilang ika-50 wedding anniversary.

Lolo Jose: Mahal kong Delia, nagtataka lang ako, sa tagal tagal natin, may panahon ba na pinagtaksilan mo ako?

Lola Delia: Mmm…mahirap magsalita… O sige, total matagal na rin naman tayo at dapat maging honest…3 beses.

Lolo Jose: Ha? 3 beses? Kelan nangyari mga yan?

Lola Delia: Naalala mo ba nung dumating isang araw ang president ng bangko at in-approve kaagad ang utang natin sa bangko ng walang sabi sabi?

Lolo Jose: Ah, talaga, ginawa mo yun Delia? Para sa kinabukasan natin? Ang laki ng sakripisyo mo para sa atin, Delia. Kelan naman yung pangalawa?

Lola Delia: Naalala mo nung inatake ka sa puso nun at wala tayong pera pang-opera? Naalala mo biglang dumating si Dr. Santos at binigyan tayo ng napakalaking discount sa operasyon at gumaling ka kaagad?

Lolo Jose: Ah. Talaga? Ganyan mo ako kamahal, at binigay mo sarili mo para lang mabuhay ako? Mahal na mahal mo talaga ako, Delia. At kailan naman yung pangatlo?

Lola Delia: Naalala mo nung kamakailan lang nung gusto mong maging president ng inyong school alumni batch at kulang ka nalang ng 15 boto para manalo ka?

Ngek! Labin-lima!
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: jings009 on September 21, 2018, 10:49:54 AM
Nakipagkita ang isang lalake sa kanyang kabit isang gabi at sinabi ng kabit na mas gusto niya na walang bigote at balbas ito sa mukha.

Kabit: Leo, ayaw ko sa bigote mo. Pero mas type ko sa lalake yung clean cut at walang balbas.

Leo: Pero gusto ng asawa ko itong balbas ko. Magagalit yun kapag inahit ko itong balbas ko.

Kabit: Sige na love, gusto ko talaga ng malinis ang mukha at walang buhok.

Leo: Sige na nga!

Bumigay din si Leo sa gusto ng kanyang kabit at nagahit ng balbas sa mukha. Nung gabing iyon paguwi niya sa bahay nila ng asawa niya, dahan dahan siyang humiga sa kama, dahil tulog na ang kanyang misis. Nagising ang asawa ni Leo at kinapa ang mukha niya.

Misis: Mario, hindi ka dapat andito! Pauwi na mister ko!

Aray ko!

Yun lang may iba din pala itong asawa na to huli ka balbon balbas lag pala katapat para mahuli ka.
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: jings009 on September 21, 2018, 10:52:28 AM
Teacher: Juan late  ka na naman feeling mo lagi matalino ka ah! Sige nga sino ang national hero natin?

Juan: Jose Rizal Maam.

Teacher: aba nakatsamba ka ah.

Juan: e Maam si Sonya kilala mo ba sya?

Teacher: hmm hindi, bakit sino ba sya?

Juan: ayan puro kasi kayo turo at aral KABIT yun ng asawa mo!
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: arielcryp on September 22, 2018, 04:07:11 PM
haha !!!!Minsan tawa rin tayo!Nakakapagod din ang maghapong pagba bounty.Ito ang entry ko.
(https://i.pinimg.com/564x/5f/ab/71/5fab718fc5a4a6a73c731a51f0785516.jpg)
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: arielcryp on September 22, 2018, 04:08:27 PM
Kung bisaya ka maiintidihan mo ito!!!haha
(https://i.pinimg.com/564x/98/34/15/9834157b391e153354614ce71f8d410e.jpg)
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: arielcryp on September 22, 2018, 04:14:29 PM
Share your jokes here mga master, Ako na Mauuna


Si Juan at ang Reporter


Reporter: Sir, mainterview ko lang po kayo saglit tungkol sa mga kalabaw niyo.
Juan: Okay
Reporter: Saan niyo po sila pinapaliguan?
Juan:Yung itim o yung puti?
Reporter: Yung itim po.
Farmer: Ah, Sa sapa yung itim
Reporter: E yung puti?
Juan: Sa sapa rin.
Reporter: (tumaas ang kilay) ah ganon po ba.
Ano naman po pinapakain niyo sa kalabaw niyo?
Juan: Yung itim o yung puti?
Reporter: Yung itim po
Juan: Ah, damo
Reporter: Eh yung puti po?
Juan: Damo rin
Reporter:(medyo napipikon na) E san niyo naman po sila pinapatulog?
Juan: Yung itim o yung puti?
Reporter: yung itim!
Juan: sa ilalim ng puno.
Reporter: eh Yung puti?!
Juan: Sa ilalim din ng puno.
Reporter: (di na maitago ang inis) Bakit mo pa tinatanong kung itim o puti e parehas lang naman ang sagot mo!
Juan: ah, kasi yung itim na kalabaw sa akin kasi yon.
Reporter: E yung puti kanino?
Juan: Sa akin din.

 ;D

haha!!kainis ito ah.Kung yan ang kausap ko baka pinahila ko na siya sa baka niyang alaga..!!!Dami niyang pasakalye sa sagot..Buti patient ang reporter.haha
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: Nikko on September 24, 2018, 04:54:53 AM
BITOY: Bakit ang pandak mo ?
DAGUL: Kasi bata pa lang ako, ulila na ako.
BITOY: Anong koneksyon nun ?
DAGUL: Hello ? wala ngang nagpalaki sa akin !
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: Nikko on September 24, 2018, 04:59:19 AM
Sa party, nilapitan ng isang gwapong lalaki ang isang babaeng nakaupo sa isang tabi. .

BOY: Sasayaw kaba ? ( Tuwang Tuwa ang babae at tumayo )
GIRL: Oo, Sasayaw ako !
BOY: Hay salamat ! Paupo ako ah ?
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: Cordillerabit on October 01, 2018, 02:39:54 AM
Juan: Tanungin mo ako ng English, sasagutin kita ng Spanish.

Pedro: What is more important? Heart or Mind?

Juan: Spanish!!!
Title: Re: Pinoy Jokes Pasok
Post by: Jun on October 19, 2018, 06:22:23 AM
 ano ba ang meaning sa coke? ang c-cancer ang o- olcer ang k- kedney ang e-equte. ito pa pepsi p-palagi e- enum p-peligroso s - sa i-iyo ito meaning sa RC R-reject sa C- coke. yan napulot ko sa daan