Sa ngayun ang nakikita ko lang na balita sa Bitcoin sa TV ay palaging mga scam tungkol sa paggamit ng Cryptocurrency kaya marami sa atin ay may maling impression sa Bitcoin at Cryptocurrency.
Pero majority ng mga pinoy ay gumagamit ng Gcash not knowing na pwede ka bumili ng Bitcoin at may Cryptocurrency trading feature ang Gcash bakit kaya hindi mag launch ng ads ang Gcash tungkol sa Gcrypto ng kanilang platform.
Ganun din ang Coins.ph malaki rin ang kita nila kahit isang malaking billboard lang sana o one month ads lang sa isang malaganap na program, yung Binggo plus nga na isang casino ay nagagawa bukod sa malaking artista pa ang mga endorsers.
Ano sa palagay nyo ang magiging potential kung sakaling may mag launch ng ads sa TV o sa mga bilboard.
Alam naman natin na marami sa ating mga kababayan ang walang alam sa crypto at kadalasan dyan ay yung mga magulang natin. Kadalasan nanonood sila ng tv kaya kung may balita na nascam dahil sa Bitcoin malaki ang tsansa na tatatak sa kanilang isipan na scam pala talaga ang Bitcoin.
Totoo na ang Ads at Billboard ay makakatulong sa pag-unlad ng Bitcoin pero alam naman natin na may malaking bayad ito. Kaya lang yung owner ng Bitcoin na si Satoshi ay hindi nagpapakit, kaya yung tanong, sino ang magbabayad nito? Hindi lahat ng nagkicrypto may Bitcoin, yung iba ay nagtatrabaho lang.
Kaya para sakin, may malaki tayong responsibilidad sa pag-unlad ng Bitcoin kasi alam natin ang totoo kaya kung maaari kung may mga tao na kakilala natin na nagsasabing scam ang Bitcoin ay turuan natin.