Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Balita Cryptocurrency => Topic started by: Mr. Magkaisa on January 22, 2024, 02:34:42 PM

Title: Lokal Remittances sa bansa natin ay gumagamit narin ng Blockchain technology
Post by: Mr. Magkaisa on January 22, 2024, 02:34:42 PM
            -   Magandang araw mga kababayan ko dito sa local section natin! May magandang balita para sa ating mga OFW na nagpapadala ng pera para sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa ating bansa. Anong magandang balita ito? Siyempre, ilulunsad ng Moneygram ang non-custodial crypto wallet itong taon na ito, sa unang quarter ng 2024, gamit ang network ng Stellar. Ibig sabihin, malaki ang pakinabang dito ng ating mga bayaning OFW na nagpapadala ng suporta sa kanilang mga pamilya. Syempre ang bentahe nito ay nakakabawas ng gastos bagamat may KYC siya na normal naman dahil humihingi talaga ng KYC ang Moneygram dahil ito ay remittance outlet. Iyon ay, "Moneygram ay nagiging isang pandaigdigang konsepto ng ATM gamit ang teknolohiyang blockchain.".

Alam din natin na kapag nagpadala ng pera ang ating mga OFW sa kanilang mga pamilya, inaabot ng ilang araw bago ito matanggap, at dahil blockchain ang gagamitin, siguradong mas mabilis at mas mura.

source: https://cointelegraph.com/news/money-gram-non-custodial-crypto-wallets-q1-2024
Title: Re: Lokal Remittances sa bansa natin ay gumagamit narin ng Blockchain technology
Post by: Zed0X on January 22, 2024, 04:21:12 PM
~
Siyempre, ilulunsad ng Moneygram ang non-custodial crypto wallet nito sa susunod na taon, sa unang quarter ng 2024,
Paki-double check muna mga dates. Naintindihan ko na 2023 pa yung article pero 2024 mo na na-post dito.

Parang international version lang ng GCash ang dating sa akin pero non-custodial daw. Mukhang exclusive lang din sa mga Moneygram wallet users yung mga pwedeng mag-cash out sa mga outlets nila. Ewan ko lang, siguro magkakatalo pa din sa rates at fees kung ano ang pipiliin nga mga OFWs.
Title: Re: Lokal Remittances sa bansa natin ay gumagamit narin ng Blockchain technology
Post by: bhadz on January 22, 2024, 08:04:57 PM
Parang nabalitaan ko na nga ito dati at parang mas nauna pa ata ang Western Union tapos gagamitin ata nila XRP blockchain noong nabasa ko yung balita na yun. Kung last year pa itong balita na ito, mas maganda nga may ganitong advancement at upgrade para makatipid din naman ang mga kababayan nating mga ofw na gagamit nito sa fees. Parang yun ang pinaka main purpose nito.
Title: Re: Lokal Remittances sa bansa natin ay gumagamit narin ng Blockchain technology
Post by: Mr. Magkaisa on January 23, 2024, 06:45:08 AM
~
Siyempre, ilulunsad ng Moneygram ang non-custodial crypto wallet nito sa susunod na taon, sa unang quarter ng 2024,
Paki-double check muna mga dates. Naintindihan ko na 2023 pa yung article pero 2024 mo na na-post dito.

Parang international version lang ng GCash ang dating sa akin pero non-custodial daw. Mukhang exclusive lang din sa mga Moneygram wallet users yung mga pwedeng mag-cash out sa mga outlets nila. Ewan ko lang, siguro magkakatalo pa din sa rates at fees kung ano ang pipiliin nga mga OFWs.

       -   Ay oo, salamat kabayan sa pagpansin medyo mali nga yung naitype ko na words, itong taon yan mailulunsad sa aking pagkakaintindi gamit ang network ng stellar.

Sana nga ay maging magandan ang maging resulta ng mga ito kapag nasimulan na at talagang malaking tulong ito hindi lamang sa mga ofw maging pati sa mga ibang community narin na magsasagawa ng transaction na may kaugnayan dito.
Title: Re: Lokal Remittances sa bansa natin ay gumagamit narin ng Blockchain technology
Post by: bitterguy28 on January 24, 2024, 01:46:19 AM
Wow Gusto ko to, dami kong kamag anak sa abroad and yes constant na ako ang dinadaanan ng mga padala para sa mga kamag anak namin dahil may crypto options din sa bansa nila , but now na pati MoneyGram ay magiging option na eh pabor na pabor to samin.

Sana lang hindi ka vulnerable ang security dahil alam naman natin na ang mga ganitong services ang target ng mga hackers and scammers.
Title: Re: Lokal Remittances sa bansa natin ay gumagamit narin ng Blockchain technology
Post by: bhadz on January 24, 2024, 03:59:28 AM
Sana lang hindi ka vulnerable ang security dahil alam naman natin na ang mga ganitong services ang target ng mga hackers and scammers.
Wala namang perpektong sistema kabayan pero tama yang concern mo kaya ang dapat lang nilang gawin ay istrengthen nila yung security nila dahil related yan sa pera ng tao at mga customers nila. Wala namang problema yan dahil diyan sila mismo nag iinvest sa security dahil hindi naman pwede na magkakaroon sila ng service na ganyan tapos bilyon bilyong pera ang dadaan sa service nila tapos mahina lang ang security nila. Basta may mga flaws, makikita at makikita naman yan ng mga security analysts nila or cybersecurity staff nila, malaking company naman ang moneygram kaya walang dapat problema pagdating sa bagay na yan pero valid concern yan.
Title: Re: Lokal Remittances sa bansa natin ay gumagamit narin ng Blockchain technology
Post by: bitterguy28 on February 26, 2024, 06:58:41 AM
Sana lang hindi ka vulnerable ang security dahil alam naman natin na ang mga ganitong services ang target ng mga hackers and scammers.
Wala namang perpektong sistema kabayan pero tama yang concern mo kaya ang dapat lang nilang gawin ay istrengthen nila yung security nila dahil related yan sa pera ng tao at mga customers nila. Wala namang problema yan dahil diyan sila mismo nag iinvest sa security dahil hindi naman pwede na magkakaroon sila ng service na ganyan tapos bilyon bilyong pera ang dadaan sa service nila tapos mahina lang ang security nila. Basta may mga flaws, makikita at makikita naman yan ng mga security analysts nila or cybersecurity staff nila, malaking company naman ang moneygram kaya walang dapat problema pagdating sa bagay na yan pero valid concern yan.
yeah security naman kasi lage ang problema kabayan eh even Gcash recently faces the same problem and also Coins.ph so if ever na magkaron ng mga ganitong offering sating mga pinoy eh lubos talaga tayong magiging masaya.
sana lang talaga eh safe nga dahil isa ako sa tuluyang magpapasalamat dito sa ganitong mangyayari.