May updated pa ba sa balitang ito sa West Philippine Sea? Hindi na ako masyado updated sa usaping ito since last month. Dahil panay ito yung balita at parang nauumay. Ngayon naman iba na yung balita na palaging pinapalabas at mahigit isang buwan na ako nanonood ng balita. Nalipat na kasi ang atensyon imbes na WPS ay nalipat sa mga pogo at kay Guo.
Oo wala narin akong balita sa Wps natin, mukhang kung ano lang yung gustong palabasin na masama ay yun ang ginagawa talaga. Ewan ko ba sa gobyerno natin, partikular yung admin na meron sa ngayon. Nung panahon ni du30 WPS lagi ang binabato sa kanya para masira siya, ngayon naman si sarah du30 sa 125M na confidential funds na kahit kitang-kita naman nagastos talaga ng tama ayon sa COA report. At bukod dyan yung Pogo at kay Guo.
So, kung magkaroon man ng gera talaga kahit imposible naman na mangyari ay may mga hardware wallet naman yung iba, o kaya usd flash drive basta i keep lang ng tama at ligtas alam mo na yung mga seed itabi at huwag kalimutan sa halip ingatan.