Sa aking pananaw, ang pagkakaroon ng mga pagbabago sa ranking system dito ay hindi pahirap para sa mga miyembro bagkus ay upang mas mapaganda pa ang kalagayan ng forum na ito. Kung susuriin nating mabuti hindi pa rin kasing higpit ng katulad ng kabilang forum. Ang kailangan lang talaga eh maging active tayo bagaman mayroong mga pagkakataon na hindi talaga maiiwasan na lumiban tayo. Huwag tayong magsawa mga papu, may magandang kahihinatnan ang pagtitiyaga natin dito - sigurado yan.