Papu, nakadepende iyan sa goal ng investor. Some, set their goals for long term (like buying a house or for college tuition) and others for short term (yung kapag mas mataas na yung price kumpara dun sa pagkakabili nila).
Para sa akin, dapat bago pa man tayo mamuhunan sa isang bagay, may naka set na tayong goal or objective (hindi iyung basta nakikiuso lang). Lalo pa at alam na nating that certain investment (bitcoin in this case) has all the possibilities to acquire huge profit in the future.
Kaya kung mag-iinvest ako sa bitcoin, pang long term talaga.