~
Diba magandang balita ito sa lahat, ibig sabihin sa ngayon maaring nakablocked nmga ang website ng binance sa bansa natin pero yung binance apps naman ay pwede parin maaccess dahil gusto din kasi ng apple at google na pakinggan muna yung side ng Binance hindi nila susundin agad yung gustong nais na hilingin ng SEC natin na ipatanggal ito.
source: https://bitpinas.com/regulation/binance-responds-sec/
Kung babasahin yung part na ito sa article ng Bitpinas, mukhang mali ang interpretasyon mo. URGED lang at walang binanggit na susundin (o gusto sundin) ng Apple at Google yung pakiusap na pakinggan muna lahat ng sides. Between yung statement ni Rafael Padilla (na dapat pakinggan daw muna side ng Binance) at yung request ng SEC (na tanggalin na yung app), tingin ko mas papaboran pa din yung SEC.
So far, paasa pa lang sa tingin ko ang nilabas na statement/open letter. Ilang beses ko na din yata nabasa yang willing to comply pero nabasa ko din na hindi naman pla sila nag-reach sa SEC para maging compliant na. Ayan, tinuluyan na sila.
Okay given the fact, na mali yung term na ginamit ko na "SUSUNDIN agad" Pero hindi ibig sabihin nun ay mali yung interppretasyon ko dude. Bakit ko nasabi ito? Diba sinabi na Pakikingggan daw muna side ng Binance? Sa tingin mo kaya bakit nila pakikinggan yung side ng Binance? Tapos nabanggit mo din na " SA TINGIN MO" ibig sabihin hindi ka din sigurado, na ang sabi mo papaboran ng google o apple yung SEC, ang tanung ay SIGURADO ka? ano pinagbabatayan mo sa bagay na ito?
Tapos sinabi mo din na Paasa lang itong binanggit ng Binance, so ibig sabihin hindi ka parin sigurado kung paasa itong statement ng Binance? pero parang tinutumbok ng sinasabi mo ay nagsisinungaling yung binance, sang-ayon sa pagkakaintindi ko dito sa post mo.
OKay sige ipagpalagay natin na paasa lang si binance, ang tanung dyan anu naman ang mapapala ng Binance kung magsisinungaling ito sa statement nya? lalo na kung ikakasama ito ng imahe ng binance. siyempre kung ako yung CEO o namumuno sa binance bakit ko pa paaasahin yung isang bansa kung ayaw ko narin sa bansang iyon? pwede ko naman sabihin ng kusa sa google o apple na alisin na nila sa bansang ito yung apps namin ng hindi na kailangan gawin pa ng SEC na hilingin ito sa kanila.
At yung sinasabi mo na ilang beses mo na din "YATA" hindi kana naman sigurado pero ang sabi mo nasabi na ito before na willing magcomply pero hindi nagreach sa SEC, baka nung time na ito CZ pa ang CEO, ang pinag-uusapan ngayon yung new chairperson ng binance na ang nangangasiwa, sa magkaparehas ba sila ng diskarte na ginagawa ni CZ? Sa aking assumption kasi once na mapakinggan ng google o apple yung side ng Binance, sa aking palagay hindi ako sure, na babalansehin nila ngayon yung concern ng Binance at request ng SEC dito sa bansa natin, meaning 50/50 chances parin, saka isa sinabi naman TEMPORARY lang daw, meaning may proseso silang pagdadaanan na alam nilang hindi ito magiging madali lang. Kaya nila nasabi na magbibigay sila ng update sa bagay na ito at committed sila na magcomply, who knows this time sa new CEO ay magpakita ito ng aggressiveness sa bagay na ito.