Dahil din siguro sa kanilang CEO na na si CZ na very charismatic at lahat ng mga sinasabi ay nirerespeto ng community naaalala ko noong panahon n gpandemic ng pabagsak ang Bitcoin ay nag announce sya na di nya ibebenta ang kanyang Bitcoin, mattas ang paniniwala nya sa future ng Bitcoin.
and siguro dahil din sa kanila advertisements kabayan , lalo na sa mga pagtulong nila sa mga kalamidad na nagdagdag ng appeal sa kanina kasi nasaksihan natin mismo dito sa bansa ang mga magagandang nagawa nila.
Bukod pa doon very inovative ang Binance marami silang feature na trader friendly ang Binance ay matatawag na all in one exchange, at bukod doon lahat tayo ay satisfied sa serbisyo ng Binance.
and dahil na din siguro sa sila ang isa sa pinaka malaking exchange na nauna sa pinas , dahil noon maniban sa coins.ph eh binance ang isa sa madali natin gamitin lalo na nung nagkaron sila ng p2p sa gcash.
Alam mo sa totoo lang nung last year okay naman ang pamamalakad talaga ni Cz bansa natin, diba nga may mga programa pa nga siyang gnagawa dito sa bansa natin nung time na yun, kasabay ng pag-asikaso nya ng mga requirements na kakailanganin para maging legal ang pagoperate nya dito sa bansa natin.
Tapos nung nagsimula ng magkaroon ng problema ang binance dahil sa mga kaso na isinampa kay CZ ay ayun na nagtuloy-tuloy na ang problema din sa atin. At nung simula ng pinalitan na si CZ, meron akong napanuod na isang crypto discussion na kung saan kaya biglang nagtake ng action ang SEC natin ay dahil hindi na daw nagpaparamdam ang Binance sa SEC natin, hindi lang natin alam kung yun ba yung under the table, dahil kung ianalyze ko yung topic nila ay nung panahon ni CZ kaya marahil walang problema ang Binance sa bansa natin ay dahil meron atang under the table na ginawa si CZ to make binance operate legally sa bansa natin.
At yung pumalit naman na kay CZ ay hindi na ganun ang ginawa, therefore ang may kasalanan na parang lumalabas ay yung taong pumalit kay CZ sa posisyon nya. Parang ganun yung tumbok ng pinag-uusapan nila.