Meron akong nakitang email ng coins.ph kaya lumipat ako sa Binance dahil dun na sabi nila pag nag hold ka daw mababawasan pero nakalimutan ko ilan mababawas kung mag hold ng crypto sa coins.ph naaalala ko lang yun yung dahilan kaya hindi na ko nag popondo sa coins.ph at lumipat sa Binance.
Baka may nakakaalala nun?
Baka dahil bumababa yung value nung asset na hawak kaya akala ng mga tao nababawasan? Hindi kaya yun yung ibigsabihin nun? Parang sketchy pag yung actual balance yung nawawala. Pag nanakaw na yun.
Hindi e hindi ko lang mahanap yung email sakin ng coins ph sa dami na nang spam nila sa email ko pero yun ang pagkakatanda ko kaya ko lumipat na ng Binance para mag exchange ng mga coins.
Chaka balak ko nanaman gamitin ang coins.ph dahil meron na silang bagong na listed na token yung pixels at pwede na ma withdraw dun yung pixels at magpapalit. Nakakaadik lang yung game ng pixels habang may libreng token nanakukuha sa market ng laro.
Baka pwede ka mag post ng tips and tricks. Nag simula ako pero hindi pa ako umaarankada. Mas nalalaro ko yung Heroes of Mavia.
Hindi ko alam kung anong maibibigay kong tips pero gumagamit ako ng pixels.tips na tool kung ano ang profitable chaka bumili ako ng vip kasi walang access pagmababa ang reputation dun kaya kahit 3 months na vip ok na pero kalahiti pero nabawi ko na sya kakalaro ko craft at plant lang tuloy tuloy yun tapus benta sa market hanggang makarami ng coins tapos binibili ko yung mga dapat ideliver hanggang may lumabas na pixel token binibili ko sa market bago deliver. Ang kailangan e masipag ka mag parami ng coins mo para ma bili mo yung mga nasa task board.
Maganda ba yang heroes of mavia? Yan kasagaran ko ring naririnig pero hindi ko pa na lalaro.
- Nakucurious talaga ako sa pixels na yan, anu ba yan kailangan madownload sa desktop or laptopt din ba yan? Di bale aalamin ko nalang yan sa youtube, at mukhang kailangan ay merong account sa ronin wallet, hindi pwede ang metamask tinignan ko siya ngayon, yung design nya parang minecraft ang datingan nya. Yang mavia naririnig ko din yan at ang value ng isang mavia so far ay nasa 5.7$ each sa market.
Mukhang sa tingin ko naman din sa panahon na ito ay mas madami ang games ngayon na mukhang maayos naman na laruin kasi hindi pa sila ganun kaingay hindi pa gaanong pinapansin ng karamihan na mga pinoy at mag-iingay lang kapag dumami na ang mga naglalaro for sure at biglang tataas din ang value for sure.