Kaya masasabi ko panalo yung mga mayayaman na naghohold ng bitcoin sa mga kapanahunang ito ng bull na ating kinakaharap ngayon. Kaya sa tulad ko na hindi naman mayaman, altcoins lang talaga ang pag-asa ko para makakuha ng big earnings dito.
Yeah totoo yan kabayan lalo na kapag yung mga mayayaman na sinasabi mo eh nakabili nung kababaan pa ng presyo like $16k noong year 2022. Sobrang laki na nang profit nila lalo na ngayong bull run kahit nakabili lang sila 1BTC nung time tiba-tiba parin sila sa ngayon kaya advantage talaga may capital na nakalaan pang-invest.
Tama ka kabayan, kapag malaki ang holdings na Bitcoin ay malaki rin ang kikitain natin dito kasi kumikita lang tayo kapag umaakyat ang presyo. Kaya yung mga mayayaman ay lalong yumayaman, malaking advantage parin ito sa kanila. Pero kahit ganun, huwag natin ifocus ang ating kaisipan sa mga bagay na yun kundi magfocus tayo sa paraan na gusto na tin, at maging kuntento sa kung ano ang meron tayo, ang importante ginawa natin ang lahat ng ating makakaya na makipagsapalaran dito sa crypto.
Ako din naman kabayan hindi rin mayaman kaya pakonti-konti lang naiipon kong Bitcoin at kumikita din naman kahit papaano sa maliit na holdings. Konti na lang maaabot na ni Bitcoin ang $70k at magtatala na ito ng new ATH ano nanaman kaya mangyayari nito after. 😅
About Altcoins naman yeah umaasa din ako na kumita ng malaki tulad nung 2017 kaso di ko lang sure kung kelan ako makahit ulit ng jackpot at anong project since nagbabakasakali nanaman ulit ako sa bounty campaigns.
[/quote]