Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Topic started by: DabsPoorVersion on January 08, 2024, 05:08:57 AM

Title: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: DabsPoorVersion on January 08, 2024, 05:08:57 AM
Kahapon lang ay may nilabas ang Bitpinas na mga listahan ng existing at ipapalabas pa lamang na P2E ngayong 2024. Kasama sa listahan syempre ang Axie Infinity na sobrang sumikat noong panahon ng pandemic.

Marami pang laro ang sinasabing dapat abangan natin gaya na lamang ng Anito Legends, Star Atlas, Pixels at marami pang iba. Nandito ang link (https://bitpinas.com/feature/10-web3-games-to-play-and-earn-in-2024-and-why/#playable-web-3-games-to-watch-out) ng full information.

Ang pinaka gusto ko dito ay yung Pixels, sa mga hindi nakakaalam, ang pixels ay isang MMORPG web3 game na maraming feature gaya na lamang ng farm land at pagluluto. Free to play din ang larong ito na maaaring maaccess ng lahat ng gustong maglaro.

Kayo ba, sa tingin niyo ano ang mas mag-iingay na P2E ngayong 2024?
Muli ba tayong yayanigin ng axie dahil sa mga bagong updates na nilalabas nila o may iba nang mas mangingibabaw na P2E?
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: Zed0X on January 08, 2024, 04:13:19 PM
Buti pinaalala mo. Nabasa ko na ito nung nakaraan pero nawala sa isip dahil na din sa dami ng minomonitor tapos meron pang ibang pinagkaka-abalahan. Okay din na libangan on the side yung ibang laro habang hindi pa sila masyadong nag-boom. Parang naging saturated na kasi web3 games mula nung last cycle pero at least may chance na ulit mabuhat sa paparating na halving.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: 0t3p0t on January 10, 2024, 04:11:25 PM
Bigla ko tuloy naalala yung nagpost sa fb ng bagong p2e nakalimutan ko lang kung anong game yun nagcomment lang kasi ako ng "how" doon sa post recruiting kasi ng scholar daw kaso para narinig ko na to sa Axie na di ko naman sinubukan noon. 😁 Ang nasubukan ko lang dati is yung Thetan Arena at MIR4 kaso tumigil na rin ako dahil nasira lahat ng devices ko noong dinaanan kami ni bagyong Odette at hindi na rin masaya yung laki ng data na kailanganin kada update ng app ni MIR4. Though wala pa akong alam sa ngayon na bago pero kung meron man isishare ko din dito o kaya abang-abang na lang na maglaunch yung mga bagong p2e.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: DabsPoorVersion on January 11, 2024, 06:47:23 AM

May nakita din akong ganyan na post sa social media, recruiting sila ng scholar pero hindi binanggit kung anong game. Ang binanggit lang dapat may experience na sa any NFT game gaya ng axie para hindi na mahirap paliwanagan patungkol sa laro.

Maganda din sa ngayon dahil sumisikat na ulit ang mga P2E, may isa pa nga na binabantayan ko dahil duda talaga ako, yun ay ang Monmonland. Parang phishing kasi ang datingan ng larong iyon, pero so far, ok naman daw siya sabi ng mga nakikita ko sa social media.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: Crwth on February 20, 2024, 02:29:03 AM
Ngayon at na list na ang $PIXEL at ma lilist pa sa major exchange, ano sa tingin nyo na ang pwedeng gawin dito? Sa tingin nyo ba tatagal ulit ito or mag sisimula pa lang? Kasi bago pa naging hype lahat sa P2E games katulad ng Axie noon, nag karoon ng climax eh.

Ano sa tingin nyo ang pinaka maganda gawin?
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: bhadz on February 20, 2024, 04:32:22 AM
Kayo ba, sa tingin niyo ano ang mas mag-iingay na P2E ngayong 2024?
Muli ba tayong yayanigin ng axie dahil sa mga bagong updates na nilalabas nila o may iba nang mas mangingibabaw na P2E?
Congrats nalang sa mga kumita sa airdrop ng pixels na nakastake ng ron sa larong yan. Pero ako, hindi na ako babalik sa mga kahit anong P2E. Para sa akin ay hype nalang ulit yan pero kung kumikita naman kayo at naeenjoy niyo yang mga larong yan, tuloy niyo lang pero huwag niyo kalimutan na mag isip ng exit plan para diyan kasi pag dumating ulit ang bear market, sigurado yan hihina ulit yan at wag na wag kaimutan mag take profit.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: gunhell16 on February 22, 2024, 04:10:19 PM
Bigla ko tuloy naalala yung nagpost sa fb ng bagong p2e nakalimutan ko lang kung anong game yun nagcomment lang kasi ako ng "how" doon sa post recruiting kasi ng scholar daw kaso para narinig ko na to sa Axie na di ko naman sinubukan noon. 😁 Ang nasubukan ko lang dati is yung Thetan Arena at MIR4 kaso tumigil na rin ako dahil nasira lahat ng devices ko noong dinaanan kami ni bagyong Odette at hindi na rin masaya yung laki ng data na kailanganin kada update ng app ni MIR4. Though wala pa akong alam sa ngayon na bago pero kung meron man isishare ko din dito o kaya abang-abang na lang na maglaunch yung mga bagong p2e.

Naalala ko nung kasagsagan ng axie nun talagang madaming kumita at nakapagpundar ng mga bahay at lupa isama mo narin ang sasakyan, tapos sinundan pa ng Mir4 then meron pa isa yung binaryx kumita rin ako parang ang istilo nitong binaryx ay parang crypto blade ang datingan nya, isang araw kumita ako ng 2k -3k depende umabot  pa nga value ng coin nyan sa 160$ nagsimula sa price na 3$ parang rugfull nga ngyari dyan. Pero kahit pano naman kumita din ako.

Sa Mir4 naman hindi ko gaanong naranasan na kumita dyan dahil ang lalakas ng mga P2P dahil yung iba nagiinvest talaga para maging mataas agad yung level nila.
Sa ngaun kasi ang nakikita ko na medyo okay na mga Play to Earn ay ang Olivium though under ng ERC20 siya.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: robelneo on February 22, 2024, 09:23:43 PM
Na burn out ako dito sa DPET kung saan malaki ang nailagay ko pero wala halos bumalik pero kung meron na potential maging Axie pwede ko namang tingnan, sa mga naka list may account na ako sa Pixel nung usang araw ko lang ginawa pero di ko pa nagawa dahil di pa ako nakakapag install ng Ronin wallet na syang main wallet ng Pixel kung may roon magiging active dito sa mga laro dito sa isa sa mga kababayan natin paki post naman para habang maaga maka ride tayo kung may potential na kumita.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: BitMaxz on February 22, 2024, 09:48:50 PM
Hindi ko pa natignan yung ibang mga web3 games pero isa lang umuugong sa mga pinoy group sa telegram at discord naririnig ko lang pero pixel palang ang naririning kong umuugong ngayon.

Sa hirap kung ano web3 games ang sisikat tulad na lang din ng nangyari sa Axie sayang mag invest sana ako nang time na yan na alam kong sisikat at mag papascholar sana ko nuon pero pinili kong mag business kami ng asawa ko dahil ang hirap na nang buhay pag marami na kayong anak alam mo na. Pero sayang biglang napabalita sa tv at nag trend at umakyat lalo token nila at chaka mura pa nung una yung mga pusa nila nung mga january bago sumikat ang axie.

Yung pixel parang sa palagay ko walang future ito kagaya ng sa axie kasi sa domain palang nila hindi na nila ginastusan.
Yung anito legends naman parang axie naman pero matunog na rin yung Laro na token nila yan palang ang parang naririnig ko yung staratalas naman parang ito naman yung magiging cryptoblades ewan ko na lang kung ano ang magiging matunog dito pero parang pixel lang ata yung pinakamaganda pwera na lang sa domain na ginamit nila.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: jeraldskie11 on February 23, 2024, 03:22:56 AM
Napakatrending ng Pixel ngayon, at listed na nga ito sa Binance. Sinubukan kung gamitin ang app nila, para sakin hindi gaanong maganda at marami akong nakikitang ibang project na may similarity sa kanila. Napagtanto ko lang na hindi pala talaga basehan yung graphics ng laro upang malaman na legit yung project na sinalihan natin at yung pixel ang nagpapatunay nito. Sa Axie naman, pwede tayong yanigin ng kanilang bagong mga updates pero sa tingin ko hindi na ito gaya ng dati kasi marami ng mga investors na hindi babalik dito.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: gunhell16 on February 23, 2024, 07:04:25 AM
Na burn out ako dito sa DPET kung saan malaki ang nailagay ko pero wala halos bumalik pero kung meron na potential maging Axie pwede ko namang tingnan, sa mga naka list may account na ako sa Pixel nung usang araw ko lang ginawa pero di ko pa nagawa dahil di pa ako nakakapag install ng Ronin wallet na syang main wallet ng Pixel kung may roon magiging active dito sa mga laro dito sa isa sa mga kababayan natin paki post naman para habang maaga maka ride tayo kung may potential na kumita.

Huwag kang mag-aalala hindi ka nag-iisa naipit lang yung dpet natin hahaha, nadala ako sa hype ng mga lintek na influencers putek na yan haha... Pero sa ngayon wala pa talaga akong makita na mga play2earn na masasabi kung meron talagang potential. Alam muna mahirap ng ma fomo o rugpull tayo.

Pero nacuriopus ako dyan sa pixel na sinasabi mo, iexplore ko nga yang sinasabi mo na yan para malaman ko rin kung magnda ba potential din na maging kagaya ng axie, alamin ko yan ngayong araw na ito.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: BitMaxz on February 23, 2024, 09:09:41 PM
Na burn out ako dito sa DPET kung saan malaki ang nailagay ko pero wala halos bumalik pero kung meron na potential maging Axie pwede ko namang tingnan, sa mga naka list may account na ako sa Pixel nung usang araw ko lang ginawa pero di ko pa nagawa dahil di pa ako nakakapag install ng Ronin wallet na syang main wallet ng Pixel kung may roon magiging active dito sa mga laro dito sa isa sa mga kababayan natin paki post naman para habang maaga maka ride tayo kung may potential na kumita.
Meron sa pixel naka 3 pixels nako kanina ko lang din ginagawa siguro mga around 80pesos din yun kung papapalit walang pa kong VIP nyan kaso nga lang ang problema sa Binance lang ito na papapalit at alam natin na malapit na itong binance maban sa pinas wala pang alternative pero baka ang mangyayari nito ay p2p kung may mga bumili ng pixels satin dito.

Wala pa akong ibang magandang makita na may potential parang ito palang pixels at chaka yung mavia. Swerte naman nung mga nag laro nung nauna yung meron pang berry na token 1:1 yung papalit sa berry to pixels at malamang kumita na yung mga lumang naglalaro. Sayang naman nung una kasi beta test pa may account pa ko non  nakalimutan ko na lang ifollow yung pixels ngayon regret sayang.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: 0t3p0t on February 24, 2024, 05:38:13 AM
Abang abang na lang din ako sa mga timbre nyong mga bagong P2E mga kabayan kasi kung ako ang papipiliin napakabias ko kasi since graphics lang tinitignan ko kapag di ko trip di ko talaga lalaruin pero nagbago yung trip ko na yun nung naging matunog ang Axie pero yun nga huli na ang lahat kasi humupa na ang baha ng Axie nung itatry ko na sana. Minalas din ako sa MIR4 kasi nabagyo kami more or less 7 months walang kuryente at internet kaya natengga lalo nat nasira pa laptop at phone ko.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: Mr. Magkaisa on February 24, 2024, 08:04:12 AM
Na burn out ako dito sa DPET kung saan malaki ang nailagay ko pero wala halos bumalik pero kung meron na potential maging Axie pwede ko namang tingnan, sa mga naka list may account na ako sa Pixel nung usang araw ko lang ginawa pero di ko pa nagawa dahil di pa ako nakakapag install ng Ronin wallet na syang main wallet ng Pixel kung may roon magiging active dito sa mga laro dito sa isa sa mga kababayan natin paki post naman para habang maaga maka ride tayo kung may potential na kumita.
Meron sa pixel naka 3 pixels nako kanina ko lang din ginagawa siguro mga around 80pesos din yun kung papapalit walang pa kong VIP nyan kaso nga lang ang problema sa Binance lang ito na papapalit at alam natin na malapit na itong binance maban sa pinas wala pang alternative pero baka ang mangyayari nito ay p2p kung may mga bumili ng pixels satin dito.

Wala pa akong ibang magandang makita na may potential parang ito palang pixels at chaka yung mavia. Swerte naman nung mga nag laro nung nauna yung meron pang berry na token 1:1 yung papalit sa berry to pixels at malamang kumita na yung mga lumang naglalaro. Sayang naman nung una kasi beta test pa may account pa ko non  nakalimutan ko na lang ifollow yung pixels ngayon regret sayang.

Hindi narin pala magandang laruin yan dahil sa binance lang siya pwedeng mapalit sa ibang cryptocurrency, susubukan ko pa sana na laruin, kasi masasayang lang yung effort at oras ko asa paglalaro ng pixel games na yan.

Sa ngayon kasi talaga wala akong makitang medyo matino-tinong laro na pwedeng maipagmalaki maliban sa mir 4 though hindi na siya katulad ng dati talaga
na kung saan ay may chances kapang makapagtago ng mga NFT sa games na ito.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: Crwth on February 24, 2024, 03:41:15 PM
Nasubukan nyo na ba yung Apeiron Guys? Sinubukan ko na mag laro at nakakatuwa naman. Para siyang MOBA na TFT din. Kakalipat lang ata nila din sa Ronin chain so mas madali mga transactions etc.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: Mr. Magkaisa on February 24, 2024, 04:49:58 PM
Nasubukan nyo na ba yung Apeiron Guys? Sinubukan ko na mag laro at nakakatuwa naman. Para siyang MOBA na TFT din. Kakalipat lang ata nila din sa Ronin chain so mas madali mga transactions etc.

Ito ba yung sinasabi mo mate https://apeironnft.com/ chineck ko siya actually at mukhang maganda siyang laruin din sa aking pagkakapanuod, masubukan ngang larunin din at kailangan lang idownlaod sa windows pero kapag nagkaroon na sa playstore sa mobile phone ko siya lalaruin madalas.

Parang mobile legends ang datingan ng laro at mukhang malilibang naman ako kapag nilaro ko siya, hindi ko naman iisipin na kikita ako sa games just for fun and amusement lang ang purpose kaya ko siya lalaruin yun lang naman.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: BitMaxz on February 24, 2024, 09:52:47 PM
Hindi narin pala magandang laruin yan dahil sa binance lang siya pwedeng mapalit sa ibang cryptocurrency, susubukan ko pa sana na laruin, kasi masasayang lang yung effort at oras ko asa paglalaro ng pixel games na yan.

Sa ngayon kasi talaga wala akong makitang medyo matino-tinong laro na pwedeng maipagmalaki maliban sa mir 4 though hindi na siya katulad ng dati talaga
na kung saan ay may chances kapang makapagtago ng mga NFT sa games na ito.

Base sa na research ko pwede din sya dun papalit ang pixels sa kucoin at Coinex exchange kaya pag wala na si Binance baka dun ko na sa Coinex eexchange tutal nandun naman yung mga namina kong coins. Ito lang kasi alam kong maraming nag lalaro sa ngayon na legit kahit wala pang VIP meron nakong  pixel nakakaadik nga e.

Yung mavia din daw maganda kaso di ko pa na tetesting kaso parang need talaga mag invest sa mavia parang hindi ata sya f2p pero nakita ko parang COC.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: Mr. Magkaisa on February 24, 2024, 11:18:20 PM

       -   Ah so may mina din pala siya at yung coins ang nacoconvert sa fiat, tama ba? isearch ko nga din yan, mukhang interesting din subukan at laruin. Lalo na kung madaming mga community players narin ang sumusubok dyan. Alam mo naman na mga pinoy madaming mga gamers parin kahit hindi sila ganun kapamilyar sa crypto talaga.

Ngayon, sa exchange naman sa tingin ko mas maganda sa kucoin, kasi sa pagkakaalam ko sang-ayon sa aking pananaliksik nagkaroon ng hacking isyu yan last year, so parang kucoin yung mas safe gamitin if ever man na magcoconvert na ng coins into fiat.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: 0t3p0t on February 25, 2024, 03:17:55 PM

Kaso parang kasali yata sila sa mababan kabayan not sure. Pero I think makakaaccess pa naman tayo kahit maban yang mga exchange na yan dito sa atin lalo na kapag magcoconvert na tayo ng mga tokens natin from NFT games or baka magagawan natin paraan yan soon.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: Mr. Magkaisa on February 25, 2024, 06:01:53 PM

            -  Yung kucoin ba yung tinutukoy na pwedeng mablock din katulad ng sa binance na gagawin nga bansa natin? Hindi ata ako updated sa bagay na yan ah.
Bakit parang hindi ko naman nabalitaan yan sa mga article platforms tungkol sa bagay na yan.

Naoverlooked ko lang siguro, sige sa coinex na nga lang at least naman kahit papaano naman ata ay naresolba naman ng coinex ang ang naging isyun nila before or last year tungkol sa hacking isyun niya.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: BitMaxz on February 25, 2024, 07:28:50 PM
            -  Yung kucoin ba yung tinutukoy na pwedeng mablock din katulad ng sa binance na gagawin nga bansa natin? Hindi ata ako updated sa bagay na yan ah.
Bakit parang hindi ko naman nabalitaan yan sa mga article platforms tungkol sa bagay na yan.

Naoverlooked ko lang siguro, sige sa coinex na nga lang at least naman kahit papaano naman ata ay naresolba naman ng coinex ang ang naging isyun nila before or last year tungkol sa hacking isyun niya.

Sa ngayon walang balita na ma baban pati kucoin or kung yung tinutukoy nya e yung Coinex wala rin akong narinig tinignan ko na rin yan sa bitpinas ang binangit lang nila  ay binance walang ibang exchange.

About naman sa Coinex trusted naman tong exchange nato dahil ViaBTC ang nag papaandar ng exchange na yan sila may hawak alam mo naman ang viabtc kilalang pool at marami satin dito or dun sa kabila na dito nag mimina at automatically winiwithdraw ang mga namina nila to Coinex exchange.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: gunhell16 on February 28, 2024, 02:36:38 PM

Kung via btc ang may hawak sa exchange na yan ibig sabihin naresolba nila ang hacking isyu nila nung ngyari last year. Ginagamit ko rin before yang coinex at ayos naman siya nung mga panahon na ginamit ko siya last year. Pero hindi ko pa masyadong na explore ang platform ng coinex ng 100%.

Yung kucoin sa tingin ko pwede pa yang magamit sa aking pagkakaalam ngayon, at maayos din naman na gamitin ang kucoin din sa totoo lang naman. Baka subukan ko nga ulit maglagay ng fund sa kucoin para magsagawa trading activity din.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: BitMaxz on February 28, 2024, 05:45:10 PM

Parang hindi ata ito na solved tong case na nahack sila pero kahit ganun paman sabi nila maliit lang daw naman yung nawa at may naka reserve naman daw sila lahat ng mga customers issue, locked withdrawal na solved naman nila and still yung ibang naapektuhan kung nawalan man ng balance sa mismong account nila binayaran na nila. Ngayon continue parin naman silang nag ooperate since ViaBTC ang nag ooperate para sa kanila yung na hack na iilang assets maliit lang para sa kanila.
Pag nagmimina ka sa Viabtc makikita mo ang option na yan sa auto withdraw to coinex walang fees.

yung kucoin ok naman yan wala rin akong mga naging problema jan maganda nga rin ang mga rates jan pero di ko lang alam kung marami bang pinoy na gumagamit ng p2p jan.

Update ko lang simula ng pagakyat ng mga crypto biglang dumami na rin nag lalaro ng pixels ah.
Title: Re: 10 Web3 Games na P2E na aabangan ngayong 2024!
Post by: DabsPoorVersion on February 28, 2024, 10:37:20 PM
yung kucoin ok naman yan wala rin akong mga naging problema jan maganda nga rin ang mga rates jan pero di ko lang alam kung marami bang pinoy na gumagamit ng p2p jan.
Marami din ang pinoy na gumagamit ng kucoin, and yes maganda ang rates at mas mababa ng kaunti kumpara sa binance. Mas user friendly lang ang Binance pero madali lang din naman gamitin ang kucoin kumpara sa ibang exchange.

Update ko lang simula ng pagakyat ng mga crypto biglang dumami na rin nag lalaro ng pixels ah.
Ayan nga din ang napansin ko, simula ng ginawa ko ang thread na ito kaunti lang talaga ang players at hindi ko inaasahan na biglang boom nung nakapagbenta na ang mga players, itinigil ko pa naman ang paglalaro dahil sa sobrang daming kailangan gawin.