Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Topic started by: Phylum1020 on March 28, 2024, 08:31:52 AM

Title: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: Phylum1020 on March 28, 2024, 08:31:52 AM
The sa issue na kinakaharap ng binance at posibleng pag kaka ban nito. Nagdadalawang isip ako magtransact for p2p. Safe parin kaya mg transact sa binance? O meron ba kayo ma sa suggest na magandang exchange para sa p2p transaction? Yung direct gcash or paymaya.
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: SunflowerBaby on March 28, 2024, 10:50:33 AM
Kaka transact ko lang bybit and napa smooth lang din nang transaction. I've been using it like over a month na goods na goods din naman, so maybe you can try din po
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: Zed0X on March 28, 2024, 12:14:02 PM
Mukhang wala ka naman issue sa KYC, other than Bybit na sinabi na, pwede ka din sa Kucoin. Kung hindi ako nagkakamali, yung dalawang yan ay walang P2P fees hindi kagaya sa Binance. Sulitin mo na bago pa sila maging next target ng Phil. SEC.
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: TomPluz on March 28, 2024, 01:40:18 PM
Kaka transact ko lang bybit and napa smooth lang din nang transaction. I've been using it like over a month na goods na goods din naman, so maybe you can try din po

Naghahanap din ako ng alternatibo sa Binance kahit nakaka-access pa rin naman ako now at meron pa silang P2P dun pero dahil sa perceived risks baka dun muna ako sa Bybit. Tagal ko ng naririnig ang Bybit na may P2P din para sa ating mga Pinoy na nasa crypto. Ang inaalala ko lang ay siguradong unti-unti ng maging strikto ang SEC sa lahat ng mga malalaking exchanges na tumatanggap ng transactions dito sa Pilipinas. Sana naman ay may magandang solusyon para dito...mahirap sa ating mga Pinoy kung walang magandang CEX na pwede sandigan. Pwede din naman sa Coins.ph at PDAXX pero hanggat maaari ay ayoko muna sa kanila kumbaga last resort na lang silang dalawa.

Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: bhadz on March 28, 2024, 02:21:37 PM

Posible talaga next time na sila na ang sumunod na target ng SEC kapag inisa isa yung mga walang license na nag ooperate dito sa bansa natin. Ang maganda lang sana itong si coins.ph magkaroon ng sariling P2P market, kasi puro spot lang meron sila. Mas maganda sana magkaroon din sila ng market para sa p2p para kung ano prefer na market ng mga users nila, makikita natin kung gaano kalaki ang demand. Napapansin ko lang kasi sa kanila parang ang daming mga bots.
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: bettercrypto on March 28, 2024, 03:13:31 PM
Kaka transact ko lang bybit and napa smooth lang din nang transaction. I've been using it like over a month na goods na goods din naman, so maybe you can try din po

Naghahanap din ako ng alternatibo sa Binance kahit nakaka-access pa rin naman ako now at meron pa silang P2P dun pero dahil sa perceived risks baka dun muna ako sa Bybit. Tagal ko ng naririnig ang Bybit na may P2P din para sa ating mga Pinoy na nasa crypto. Ang inaalala ko lang ay siguradong unti-unti ng maging strikto ang SEC sa lahat ng mga malalaking exchanges na tumatanggap ng transactions dito sa Pilipinas. Sana naman ay may magandang solusyon para dito...mahirap sa ating mga Pinoy kung walang magandang CEX na pwede sandigan. Pwede din naman sa Coins.ph at PDAXX pero hanggat maaari ay ayoko muna sa kanila kumbaga last resort na lang silang dalawa.

Sa bybit medyo okay pa at mukhang hindi pa naman mainit sa mata ng SEC sa ngayon, kaya ito na muna ang gamitin natin bilang alternative sa solusyon now na wala na ang binance. Bukod ko sa bybit kasi ay andyan din ang OKX, Houbi, Gate.io na merong p2p papunta dito sa fiat natin sa aking pagkakaalam.

Kaya lang yung p2p sa gate.io ay medyo parang mababa lang yung percentage na makikita mo unlike sa bybit na yung mga p2p merchants ay nasa 100% to 99% karamihan ay meron dun while sa gate.io ay hindi ganun.
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: Phylum1020 on March 29, 2024, 01:40:46 AM
Sige, at masubukan nga yang mga suggestion niyo. Actually, wala pa ako account sa bybit so no idea pa ako tungkol sa exchange na yan although naririnig ko na siya. Mas maganda e explore ko nalang siya and p2p and other features na din para maging familiar na ako sa kanya.
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: bitterguy28 on March 29, 2024, 04:58:26 AM
Bybit na din gamit ko eh , yan lang nakita ko na halos kasing lapit ng binance sa pag p2p , though up to now ginagamit kopa din ang binance pero small transactions lang incase maipit man eh hindi ako masasaktan hehe.
parang nakaka excite lang kasi yong tinitingnan ko kung maiipit naba or hindi  ;D >:( :D :D
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: WolfwOod on March 29, 2024, 11:19:21 AM
The sa issue na kinakaharap ng binance at posibleng pag kaka ban nito. Nagdadalawang isip ako magtransact for p2p. Safe parin kaya mg transact sa binance? O meron ba kayo ma sa suggest na magandang exchange para sa p2p transaction? Yung direct gcash or paymaya.

Sa Bybit and OKX boss, smooth na smooth ang transaction sa p2p. Medyo hassle lang sa OKX kasi need pa hinatyin ang Screenshot ng buyer or Seller, then uupload mo pa bago mo irelease ang assets. Goods pa din ang Bybit para sakin, same lang din sa Binance. Kaso, medyo kokonti pa ang mga Merchats. Magsisilipatan na siguro sila pag completely ban na talaga sa Pinas ang binance
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: 0t3p0t on March 29, 2024, 01:07:18 PM
Mukhang wala ka naman issue sa KYC, other than Bybit na sinabi na, pwede ka din sa Kucoin. Kung hindi ako nagkakamali, yung dalawang yan ay walang P2P fees hindi kagaya sa Binance. Sulitin mo na bago pa sila maging next target ng Phil. SEC.
Yeah ito talaga yun eh. Though di ko pa nasubukan na gumamit ng P2P kay Bybit at OKX pero nakikita ko dun na halos magkapareha lang sila ng mga supported payment method at sana ay kumita na ako para matry ko din bago paman hatulan ulit ng SEC. 😅
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: Mr. Magkaisa on March 29, 2024, 06:50:03 PM
      -     Ito yung mga exchange na pwede mong subukan na gamitin, una bybit, second okx, 3rd bitget, 4th Houbi hindi ako sure kung meron pa pero check mo parin, pang 5th gate.io.

Yan yung mga exchange na nasubukan kung buksan na merong p2p na direktang pede sa gcash, pero hindi ko pa nasubukan sa gate.io at bitget the rest nasubukan ko na at smooth naman ang transaction
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: jeraldskie11 on March 30, 2024, 05:16:47 PM
The sa issue na kinakaharap ng binance at posibleng pag kaka ban nito. Nagdadalawang isip ako magtransact for p2p. Safe parin kaya mg transact sa binance? O meron ba kayo ma sa suggest na magandang exchange para sa p2p transaction? Yung direct gcash or paymaya.
Hanggang ngayon magagamit pa naman yung Binance app dahil nakakawithdraw pa yung kakilala ko sa exchange na ito, yun nga lang hindi accessible sa chrome ang Binance na kung saan ay napakadelikado na kung mananatili pa rin tayo sa paggamit ng app nila baka isang araw ay hindi na rin maopen tapos may naiwan pa tayong mga funds doon. Kaya mas mabuting gumamit ng ibang exchange kasi marami pa namang magagandang exchange hindi lang ang Binance gaya ng Bybit lalong-lalo na kapag P2P.
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: Mr. Magkaisa on March 30, 2024, 06:53:32 PM
The sa issue na kinakaharap ng binance at posibleng pag kaka ban nito. Nagdadalawang isip ako magtransact for p2p. Safe parin kaya mg transact sa binance? O meron ba kayo ma sa suggest na magandang exchange para sa p2p transaction? Yung direct gcash or paymaya.

Sa Bybit and OKX boss, smooth na smooth ang transaction sa p2p. Medyo hassle lang sa OKX kasi need pa hinatyin ang Screenshot ng buyer or Seller, then uupload mo pa bago mo irelease ang assets. Goods pa din ang Bybit para sakin, same lang din sa Binance. Kaso, medyo kokonti pa ang mga Merchats. Magsisilipatan na siguro sila pag completely ban na talaga sa Pinas ang binance

     -     Diba ganun naman talaga na hihintayin muna natin screenshot ni buyer bago tayo magconfirm? Ganyan naman din sa binance diba?

Basta ingats nalang at huwag ng pumasok kung nag-aalangan tayo para hindi na tayo magsisi pa sa huli,.. and besides madami naman pang alternative dyan. Tandaan lamang natin na sa bawat problema laging may solusyon kaya huwag nv malungkot at madisappoint.
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: Baofeng on April 04, 2024, 01:07:19 AM
Matagal tagal na rin akong gumagamit ng Bybit, at katulad na katulad din naman sya ng Binance so smooth lang transition dito. Although konti pa lang ang mga merchants that time kasi nga Binance ang unang ginagamit natin.

So tiyak maraming lilipat na sa Bybit at mamumuhunan na naman para kumita kahit paano at tayo naman ay mag move din dun. Basta iwas lang sa scam at pag hindi pa pumapasok sa tin let's say the Gcash, wag i release ang crypto natin, paalala lang ng malaki. Dahil ako muntik muntikan nang ma scam sa ganyan style.
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: DabsPoorVersion on April 04, 2024, 12:34:24 PM
Pwede mong subukan sa Bybit or sa Kucoin, medyo matagal ko na din gamit yang Bybit simula pa noong lumabas ang balita na mababan ang Binance sa Pinas. Doon na din ako gumagamit ng P2P and so far, wala naman akong naencounter na issue. Nag compare din kasi ang ng rate and napansin ko na mas mababa ang Bybit ng ilang centino kumpara sa Binance.

May nababasa ako sa social media groups na nakakapag access pa din naman sila ng P2P binance, pwede mo subukan sa ngayon pero mas okay kung may funds ka pa dun ay ilipat mo na agad or kung bibili ka palang ng USDT, huwag na sa Binance for the safety of your funds na din.
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: 0t3p0t on April 04, 2024, 03:05:21 PM

Been using Bybit siguro a couple of months now pero di ko pa din nagamit yung p2p pero since sinabi mo kabayan na medyo mas mababa ang rate ng Bybit kesa Binance, mas mababa pa kaya yung ibang exchange like OKX or Coinbase?
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: gunhell16 on April 05, 2024, 08:40:20 AM

Hindi kabayan, mas mababa pa rin sa bybit, dahil kung mapapansin mo karamihan halos ng mga p2p merchants sa binance yun din ang nasa bybit, kaya nga nung nakita ko ay hindi na ako nagdalawang isip na gamitin ang Bybit.

At nung time din na yun ay naisip at napansin ko din na magandang pangreserve ang bybit sa p2p sa binance just in case na magkaroong ng problema ang binance dito sa bansa natin,. at dumating nga yung time na mablocked ang binance sa bansa natin.
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: TomPluz on April 05, 2024, 09:06:08 AM
Been using Bybit siguro a couple of months now pero di ko pa din nagamit yung p2p pero since sinabi mo kabayan na medyo mas mababa ang rate ng Bybit kesa Binance, mas mababa pa kaya yung ibang exchange like OKX or Coinbase?

Parang tama yang assessment na medyo na mababa ng kunti ang bilihan sa P2P Bybit compared sa P2P sa Binance pero di naman talaga masyado malaki ang gap so okay na rin. Mga 4 days ago ay nag-sell ako dun sa Bybit at nakita ko mismo ang parehong level of convenience at speed tulad ng sa Binance at syempre meron din silang Gcash at Maya options so ang dali lang pumasok ng pera. Sa ngayon ay nakaka-access pa rin naman ako Binance at andun pa rin ang P2P nila pero gusto ko na talaga subukan ang ibang options na may P2P kasi di natin alam ang mga plano ng SEC dito sa ating bansa...baka bigla na lang di na pwede pumasok sa site mismo mahirap na. Tulad ng Kucoin ang Bybit ay strikto na din sa kanilang KYC kailangang pumasa bago makagawa ng transaction sa P2P pero wag mag-alala madali lang naman ang KYC process nila kailangan lang ng isang recognized ID at ipakita ang mukha sa camera nila (kailangan daw gwapo o maganda para makapasa LOL).

Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: Crwth on April 05, 2024, 09:19:44 AM
Based on my experience, eto yung mga exchanges na comfortable ako mag P2P
- Bybit
- XT

Hindi pa ata ganun ka sikat yung XT pero so far, ok naman yung transactions ko dun. May mga pinoy din doon.
Title: Re: Saan maganda for p2p transaction?
Post by: Mr. Magkaisa on April 05, 2024, 12:42:31 PM
Based on my experience, eto yung mga exchanges na comfortable ako mag P2P
- Bybit
- XT

Hindi pa ata ganun ka sikat yung XT pero so far, ok naman yung transactions ko dun. May mga pinoy din doon.

         -    Yang XT okay nasubukan ko na din yan, hindi pa nga lang ganun napapansin ng mga kababayan natin yan pero okay din siya para sa aking experienced din naman honestly speaking. sa ngayon kasi medyo nakatuon na ang atensyon ng karamihan na mga kababayan natin sa Bybit, though wala naman ding problema dahil halos kaparehas lang din naman talaga ng binance ang Bybit in terms of p2p transaction talaga.

Pero iba parin siyempre yung madami tayong alternative na pwedeng pag gamitan ng p2p transaction na pwede ang gcash apps at maya apps, malaking bagay kasi talaga ito na tulong sa ating mga pinoy crypto enthusiast.