Sa totoo lang madaming mga tourist spots na puwedeng gayahin yung ginawa ng pouch sa boracay o bitcoin island. Ang mangyari lang dapat ay kilalanin ng gobyerno natin yun at bigyan ng call sign o yung bansag para mas lalong makilala yung mga lugar na yan. Kasi kung walang tulong ng gobyerno mabagal din ang progress pero sa totoo lang kapag naging kaisa sila diyan, mabilis ang spread ng word para mas lalong marecognize yung bitcoin island at iba pang puwedeng gawing crypto hub spot sa bansa natin.
Sa tingin ko kabayan ay kailangan ng Pouch na makipagpartner sa tourism para marecognize at maipromote din ang cryptocurrency especially Bitcoin sa iba't ibang tourist spot sa buong bansa natin. Kasi kung aantayin ng Pouch na mismo ang gobyerno natin ang lumapit matatagalan bago pa ito mapansin at mangyari pa na dedmahin lang nila ito.
Tama ka diyan pero baka nagawa na nila yan o kung hindi man, yun nga ang hakbang na dapat nilang gawin kasi malaking bagay yan sa tourism. Kung nakita niyo mga kabayan yung mga riches cities outside metro manila, ang #1 ay Baguio city at alam naman natin na halos lahat ng industriya na nasa Baguio ay related sa tourism kaya ang laking pera talaga papasok sa bansa natin kung gagawing attraction yan ng Boracay in partnership sa gobyerno natin.
- Ang problema nga hindi naiisip or napapansin ng gobyerno yan, parang wala ngang nakikita o naririnig pa nga, sa halip ang nakita ko sa mga opisyales ng mga ahensya ng gobyerno natin yung mga nasa itaas na mga opisyales ay inuuna lagi ang kanilang pansariling interest.
Ito ang nakakalungkot, hindi majority ang kapakanang benepisyo ng mga mamamayan na dapat sila ang priority na pagsilbihan talaga, tulad nga ng sinabi mo kung meron lang kahit isa lang na pulitiko na magpursigi sa pagsuporta sa bitcoin o crypto ay for sure na mabilis ang magiging development nito sa bansa natin.