Currently nasa $67,166 ang price ni Bitcoin at kung pagbabasehan naman ang chart on daily at 7 day timeframe bullish sya so siguro marami na ang kumita ngayon sa mga naglong trade.
Lumagpas na pala siya sa $67k at paatras abante siya sa $66k. Magandang sign ito kung titignan natin dahil namemaintain ni BTC yung ganitong presyo na para makaangat lalo dahil mas mataas pa yung inaasahan natin sa paparating na bull run.
Mas maganda kasi talaga pag-aralan ang futures since regardless of trend ng price ng crypto especially Bitcoin maaari kang kumita ng malakihan kaso super risky din anlaki na din naluge sakin inisip ko na lang na tuition fee yun sa pagpapraktis ko ng trading haha.
Iba ang approach ko dito at mas conservative ako na investor. Iwas nalang ako diyan sa futures pero maganda nga mapag aralan yan lalo na kung may pampuhunan ka naman at hindi ka natatakot na masunugan.
Yes kabayan pero ngayon bumaba uli price ni Bitcoin sa $66,869 kakacheck ko lang saka sa 7 days lang sya bullish at sa 1 year pero sa ibang timeframe medyo iba ang galawan nya parang side ways na pabagsak.
Yeah kabayan, tingin ko nga matatawa sakin yung mga pro sa futures trading kasi banat ako ng banat puro naman tuition fee. 😅
Kapag bullish sa weekly o monthly tf ibig sabihin bullish talaga ang market, pero kapag nakikita natin na bearish sa lower time frame kahit bulish yung higher tf posibleng retracement lang ang nangyayari sa ltf. Kaya kung long term investment yung gusto nating gawin sa mga funds natin, huwag kalimutang tumingin sa htf para maiwasan ang pagkalito.
Siguro may ibang mga traders dyan na matatawa pero sa tingin ko hindi naman siguro ganyan mag-isip ang karamihang traders kasi lahat sila nagsimula sa wala, kaya focus lang tayo sa journey sa trading at huwag hayaang mawalan tayo ng gana dahil lang sa mga bagay na hindi naman talaga importante.