~snip
May mga features kasi na patok talaga sa mga pinoy noong simula na ni Ron Hose pa ang CEO at ang galing nga ng pagkakagawa nila kay coins.ph. Kasi parang coinbase version siya ng Pinas hanggang sa nagpasa pasa na hanggang sa bagong management siguro sila may mga challenges din at mga times na sobrang hina kaya may mga ginagawa silang mga bagong hakbang para lang makahatak ulit ng mga users at mukhang yun na nga ang mangyayari.
Sa tingin mo ba ngayon, hindi na ito patok sa pinoy? Mukhang maganda naman yung itsura ng app nila ngayon at pinapakita nila talaga ngayon yung coins.pro as the legit exchange dito sa pinas.
Patok naman siya pero kung maaalala mo dati kabayan na madaming features sa load, bills, topup loads, etc. Yung ganitong bagay nagpasikat sa kanila dati kaya madaming mga users ang nagsipuntahan sa kanila. Ngayon, parang si Maya nalang ang ganyan pero pwede din naman gawin mismo sa Gcash/gcrypto after mo magtrade dun. Kung sa legit exchange dito sa bansa natin ay masasabi ko namang naeenjoy ko siya gamitin.
Sapalagay ko ang nag papatok sa kanila ay yung mission na binibigay nila may libreng bitcoin yung na around 50 pesos to 100 gawin mo lang yung mission kumikita kana pati nga referral nun parehas kami ng na refer mo may tig 50 pesos sa Bitcoin ang maganda pa dito hindi ko agad binenta yung naipon kong bitcoin non hawak hawak ko lang jan sa wallet ng coins.ph. hanggang tumaas ang presyo nuong 2017.
Grabe binago ng Coins.ph ngayon naliligaw na ko wala na yung ibang mga features duon na ginagamit ko pero dami din na features na bago kaso pangit parin yung rate ang laki pagkakaiba kaysa sa Binance laki nang agwat pero wala tayo magagawa no choice dahil mawawala na ang Binance usually umaasa sa p2p.
- Well sa bagay na yan move on nalang tayo mate, saka isa pa kung mawala na ng tuluyan ang Binance ay andyan pa naman ang Bybit, at kung isunod naman ng SEC ang bybit na huwag naman sana ay gamitin na muna natin bilang replacement sa binance sa ngayon.
Ngayon, huwag muna bigyan ng stress ang sarili mo sa coinsph, andyan pa naman ang gcash app at pdax, kasi kahit ano pang dami ng bago ang meron ngayon sa coinsph ay wala rin yan kung yung sistema nila ay ganun parin tulad ng dati.