16
Philippines (Tagalog) / Bakit Mas Sikat at Ginagamit ang Binance sa Pilipinas?
« on: April 14, 2024, 04:46:26 AM »
Sa desisyon ng SEC na di na payagang maka-operate pa ng negosyo ang Binance dito sa merkado ng Pilipinas, sigurado ako na 100% ng mga crypto users dito sa atin ang nalungkot at di masyado nagustuhan ang pangyayari...pero bakit nga ba mas gusto ng mga Pinoy ang mag-trade sa Binance kumpara sa Coins.ph na matagal na sa negosyong ganito at sa PDAXX na medyo bago pa lang at lahat sila ay talagang rehistrado at legal na mga negosyo dito sa bansa?
Sa ganang akin, una ay talagang magaling ang Binance at si sila maging numero uno sa buong daigdig kung mahina silang klase lalo na sa mga features na talagang nakakatulong na mas madali ang pag-trade ng crypto...at sa larangan ng P2P di maitanggi ang Binance ang nangunguna dito sumusunod lang ang iba.
Sa larangan naman ng security at safety, dumaan na ang Binance sa matinding krisis nito ng ma-hack sila noong 2022 n umabot sa $750 millions pero imbis na manlumo ang Binance naka-recover sila at bumangon...at nagpatuloy sa pagiging isa sa mga nangungunang crypto exchange na may trading volume na $34.26 Trillion sa 2023.
Sigurado ako marami pang dahilan bakit naging sikat ang Binance sa Pilipinas...at sana yung ating mga local-based crypto exchanges ay matuto sa Binance kasi panahon na para sila naman ang susuyo at manalo sa merkado dito sa ating bansa.