Yeah kaya simula't sapol isa lang talaga account na gamit ko per forum kasi di basta-basta yung igugol mong oras kung maraming alts haha. Dati may nakita ako sa isang bounty parang lima account iisa may-ari grabe yung effort di ko kaya yung ganun lalo na cp lang gamit ko masakit sa mata kapag matagalang tutok.
Yung karma ko dito kaya mataas kasi nag-avail ako ng badge eh lalo na nung medyo mas mababa pa konti ang presyo ng Eth at Bitcoin.
Hirap nga talaga mag post gamit ang CP/Mobile kabayan nasubukan ko na yan pero di ko talaga kaya so nagpopost lang talaga ako pag nasa harap na ng PC or minsan sumisilip silip lang sa forum pero basa basa lang.
now naintindihan kona bakit gganon kataas ang positive karma mo.
Siguro nakasanayan mo na talaga ang pagpopost sa PC kumpara sa mobile, though, totoo mahirap sa CP magpost lalo na ang pagkuha ng signature code dahil buong thread ang naca-copy madalas. LOL. Pero ayun nga, sanayan lang siguro yan, ako ramdam ko din struggles sa pagpopost mobile lalo na kapag need mo mag additional tab (to look for specific thread regarding sa topic/discussion), medyo mabagal kumpara sa PC.
Totoo yang sinabi mo na yan dude, bukod sa mahirap sa cp ay makakaramdam kapa ng pagkainis kapag magcopy ka ng signature dahil tulad ng sinabi mo ay ang ngyayari nakacopy natin buong thread hahaha.
Pero balik tayo sa pinag-uusapan, madami naman na mga kababayan natin dito na pinaghuhusay naman nila ang kanilang mga pinopost na dito sa platform na ito, sa nakikita ko naman ay dumadami na sa atin ang nagiging mapagbigay na sa karma basta may sense naman talaga yung post ng bawat isa.