Never pa ako nag trade OTC pero aware ako sa moneybees at natry ko na yang service nila. Madami silang partner outlets dito sa bansa natin. Sa online transaction, masasabi kong swabe at okay sila pero palitan/conversion o literal na exchange lang talaga sila. Hindi sila tulad ng mga kinagisnan nating mga exchanges na pwede mag imbak ng matagal. Pag nag papalit o nag trade ka sa kanila, trade talaga agad tapos basta supported yung withdrawal na gusto mo, okay yan mapa-cash/bank transfers/ewallets o kaya other crypto.
Naranasan ko ng magsagawa ng transaction sa tambunting palitanmula sa Bitcoin papunta sa pera natin at sa pera natin papunta sa bitcoin. Yung price ng Bitcoin ay binabatay ng any tambunting pawnshop sa price value na nakalagay sa moneybees.
At sa karanasan ko na ito ay wala naman akong naging problema, mabilis ang transaction, smooth, as in okay naman siya talaga. Though, hindi nga lang talaga siya katulad ng gcrypto, Maya, coinsph na pwede tayong magtago ng Bitcoin, hindi siya pwede. Parang maitutulad ko din talaga sa literal na remittances parang ganun.