Bwenas kasi sila at bull market sila nataon pero kapag maranasan nila yung bear market, mababawasan pagka aggressive nila at magiging katulad nalang din natin sila na chill lang habang nanonood sa galaw pero mag take profit pa rin kahit papano. Sa mga nakabenta sa top ng $73k, mapalad na kayo mga kabayan at kung nakapagsave kayo ng stable coins, panalo na dahil kahit bumili kayo ay ok na ok pa rin. Tignan niyo itong thread $61k pero kahit naglalaro ang price sa $65k-$68k panalo pa rin at partida nag correction pa yan.
Kaya nga kabayan andaming ganitong mga usapan now at mga pumapasok dahil sa Bull market pumuputok nnman ang investment options lalo na ng mga kabataan at mga desperadong kumita ng biglaan kaya andito sa crypto market , napapansin ko na tuwing bear market eh halos wala sila dito kaya din andaming hindi totoong naiitindihan ang pinapasok nila.
Sabay lang talaga sa agos at kung saan ang biyaya. Pero ok lang yan at ganyan talaga ang buhay ng karamihan sa atin, kung saan ang bull run, doon lang papasok at tatayming. Dahil buhay investor magandang timing lang ang kailangan at siya nga pala, balik sa $64k si Bitcoin at malapit na ulit sa kung saan naging price na $61k noong naipost itong thread na ito at baka mas bumaba pa pero okay lang yan dahil normal na bababa talaga siya.