May mga times talaga na hindi magtutuloy tuloy yan katulad kahapon pero ang kinagandahan lang ay nakabawi din agad at balik sa $72k na tapos baka mabasag pa yung $73k. Aggressive ngayon ang mga buyers tapos may hype pa sa mga balita dahil kina Michael Saylor at Larry Fink kaya madami ding mga retailers ang nag iinvest lalong lalo na sa US. At karamihan din sa mga markets na iba ngayon ay green din.
Yeah agree ako sayo kabayan based on the current events sa Bitcoin ETF palagay ko ay mas magrally pa talaga ang price ng Bitcoin in the coming days or months dahil sa posibleng massive adoption na hatid ng mga positibong actions ng mga kilalang big time investors. Parang aabot pa yata sa $100k yan bago paman matapos ang taon kaya abang-abang na lang tayo sa mga susunod na pangyayari.
Posible siya sa $100k bago matapos yung taon. Dahil noong 2021, yan din ang inisip ng marami pero hindi natuloy dahil parang late na yung speculation ng ganyan. Ngayon naman, may ETF na tapos may halving pa kaya yung double impact para sa presyo ni bitcoin ay nandiyan kaya posible talaga siyang tumaas pa. Sana nga mas tumaas pa yan at lagpas diyan sa price na yan, isang malaking bentahan kung sakaling $150k-$200k.
Posible talaga ang $100k ngayon, sa galawan ng presyo, kita naman natin ang grabeng pag taas sa ngayon palang, hindi maawat. So ano pa kaya sa totoong bull run after halving. So mukhang ngayon palang matutupad ang hula dati, kung matatandaan natin nung last bull run, may isang prediction model na sinabing aabot tayo ng $100k pero hindi nangyari yun.
Pero nag stick parin sya sa hula nya at heto nga, baka ngayong bull run tatama ang prediction nya hehehe.
Goods naman para sa tin, ngayon pumalo na ng $73k so new all time high na naman.