Tama mate, ang hirap now mag encourage dahil antaas na ng expectation ng mga tao sa Bitcoin , may mga nakilala akong tao recently na pag narinig nilang nasa crypto ka specifically bitcoin eh Ang yaman mo na , in which parang di maganda ang mga nakarating sa kanilang knowledge on what and how crypto works .
kaya now eh ang ini entertain ko nalang is yong mga taong interesado matuto hindi yong interesado yumaman agad.
Ang hirap ng ibreak ng ganyang mindset sa mga tao na nalaman na bitcoin investor ka, tapos iisipin nila mayaman ka. Hindi ba nila alam na depende pa rin yan sa kung iilan ang hinohold mong Bitcoin. Kung saktong holder ka lang naman at di pa abot sa 1 btc ang hinohold mo, sana huwag silang mag expect ng ganun kasi karamihan din sa mga yan ay lalapit sayo para utangan ka kasi ang alam nila ay madami kang pera. Siguro ito ang isang bad thing sa crypto/bitcoin pero outside naman na yan sa mismong paghohold at pag iinvest.
Kaya ako hindi ko na sinisingit ang usapan sa ibang tao tungkol sa crypto or bitcoin. Basta dead ma na lang ako kaya nga sa ganyan notion nila. Sana nga totoo na mayaman na lahat tayo basta nasa crypto pero hindi ganun.
Maling mali kaya mas mabuti na lang na tahimik tayo, ipon lang ng ipon at sa bull run na mangyayari after halving, sana na tayo mag benta at kumita kahit paano.
May mga piling kaibigan ako na nag crypto pero bihira lang kami mag usap lalo na sa social media at kapag magkasama personal, doon lang kami nagiging vocal sa isat isa kaya yung ibang mga common friends namin hindi makarelate. Pero yun nga kapag hindi masyadong maalam o hindi talaga investor, hindi nalang din ako nago-open up. Agree ako na mas okay na tahimik nalang, at kung kumita ay tahimik lang din at enjoy with family tapos bilhin ang mga pangangailangan.
Ang hirap ng ibreak ng ganyang mindset sa mga tao na nalaman na bitcoin investor ka, tapos iisipin nila mayaman ka. Hindi ba nila alam na depende pa rin yan sa kung iilan ang hinohold mong Bitcoin. Kung saktong holder ka lang naman at di pa abot sa 1 btc ang hinohold mo, sana huwag silang mag expect ng ganun kasi karamihan din sa mga yan ay lalapit sayo para utangan ka kasi ang alam nila ay madami kang pera. Siguro ito ang isang bad thing sa crypto/bitcoin pero outside naman na yan sa mismong paghohold at pag iinvest.
Hindi yan maiaalis sa isipan ng tao kabayan na akala nila na marami ka nang pera kung malaman nila na bitcoin holder ka. Kaya kung pwede ay wag na wag mo ipahalata sa ibang tao o kahit mga kapamilya mo kung ikaw ay holder ng bitcoin para iwas sa ganoong mga isyu sa huli.
Oo kabayan, kaya nga kahit sa social media ay never na ako nagshare related sa market. Kahit mga comment sa mga fb pages na crypto related at kahit mga memes, tinatawa ko nalang pero di ako nagrereact o comment man lang.