1
Philippines (Tagalog) / Re: Magkakagera na ata Philippines vs China, anong mangyayari sa BTC dito?
« on: May 14, 2024, 02:40:18 PM »Panibago nanaman yang Sabina shoal at itong grupo naman ng akbayan nagdadagdag pa ng pangtitrigger na maglalagay ng floating bola na atin ang WPS.
In connection dyan sa nagaganap sa West Philippine Sea, mukhang nagkakaroon ng infiltration na nagaganap ito nga ay dunarami na yung mga Chinese na student daw at officials nagkakaroon ng posisyon sa gobyerno.
Isa na dito ay yung kaso nung mayor ng Bamban sa Tarlac na si Alice Guo na masyadong kaduda duda ang pagpasok sa Pilipinas at meron pang koneksyon sa mga POGO, ang nangyayaring ito ay parang tip of the ice berg marami pang mahahalukay na pwedeng magbunyag na may intelligence na dito ang Chinese government.