1
Philippines (Tagalog) / Re: Ano nga ba ang posibleng mangyari sa presyo ng Bitcoin?
« on: May 12, 2024, 07:45:40 PM »Kung kaya mong kumita sa bear market kaya mo ring kumita sa bull run kasi paangat lahat ng mga crypto. Kadalasan basta bull run sa 0.5 nalang ng fib ang pinakamalayong i-retrace ng presyo. Kaya marami talaga kumikita dito.Mabuti naman kung ganun kabayan, napakadisiplinado mong tao. Kasi kadalasan magkakaroon ka talaga ng emosyon kapag nakikita natin na bumabagsak ang presyo ng isang currency na iyong pinag-investan lalo na kung nalulugi tayo, at dahil hindi naman imposible magkaroon ng emosyon, kailangan lang talaga natin maging disiplinado para makapag-stick tayo sa ating plan. Siguro malaki-laki na rin kinita mo kabayan sa pagkicrypto.- bakit op nagdududa kana ba sa pag angat ni Bitcoin papuntang 100k$? Saka sa mga institutional investors na nagiimplement ng dca sa Bitcoin,lahat ba sila nagbenta naba sila ng kani-kanilang mga bitcoin?Wala naman akong sinabi na nagdududa ako, marami lang kasi akong mga nababasa na parang nagdadalawang isip na baka hindi na abutin ang $100k presyo ng Bitcoin.
Kasi sa pagkakaalam ko ay majority ng mga mga ito ay mga wala pang balak na magbenta ng kani-kanilang mga investors, therefore, ito ay pagpapakita lamang ng mga institutional investors na meron sila price target talaga , at once a mahit nila yun benta na agad sila dahil take profit na sila.
Ginawa ko ang post na ito upang maencourage ang mga baguhan sa crypto o yung mga taong walang kaalaman sa pag-aanalyze sa market na huwag magbenta para hindi sila magsisisi sa huli.
Minsan kasi kahit sinabi mo sa sarili mo na ibebenta mo lang ang Bitcoin mo kapag umabot ng $100k, tapos nabili mo ito ng $70k, at dahil palagi tayong nakakatitig sa chart na kahit kakatapos lang ng halving, nafefeel natin na parang ang tagal nating hinold yung Bitcoin. Nakakaramdam ng negativity na baka babagsak na talaga ang presyo kaya binenta ng mas mababang halaga sa presyo ng pagbili.
- ah ganun ba, para sa aking personal na assessment kasi hindi ako nagdududa na kayang maabot ni Bitcoin ang 100k$, dahil sa aking analysis nakikita ko yung direction nya talaga ay patungo sa 100k$ either before end of this or 1 and 2 quarter of next year.
Nasasabi mo lang na parang ang tagal yun ay dahil hindi kana marahil makapaghintay sa araw na marating ni Bitcoin yung 100k$ each, kaya ganyan ang sinasabi mo o ng iba. Nauunahan agad ng over excitement. Sa halip na ganyan ang ating pairalin ay magandang unahin or ipagpatuloy lang natin yung dca method.
- Sakto lang kabayan, yung pagiging disiplinado kailangan meron talaga tayo nyan bilang investor at trader. Sa ngayon, first time ko palang masasabak sa bull run, at dahil sa mga nababasa ko na mag payo at paalala ng iba dyan ay sinusunod ko naman yung iba na sa tingin ko naman ay tama talaga.
May mga holdings ako na sa tingin ko ay makakapagbigay ng nice profit or huge kung loloobin ng maykapal, at habang naghihintay naman ay kahit papaano din naman ay nakakakuha tayo ng earnings sa trading kada weekly ng nasa range ng 80-200$, at sa yiled/farming naman weekly nasa 100-300$.
Malaki naman pala kinikita mo kabayan per week kaya pala umabot ng 20k. Tanong ko lang, bakit mo pa kailangan pumasok sa mga campaigns, kulang pa ba sayo yung mga kinikita mo?