Papu, relate ako sa iyo. Hindi lang ikaw ang may ganyang karanasan, marami tayo. Kung tutuusin, maikling panahon pa nga lang ang pinaghihintay mo. Yung iba, taon. Sa ganitong klaseng forum, tiyagaan ang labanan. Unang una, wala tayong nilabas na pera. Oras, ang pinakapuhunan natin. Kaya dapat hindi tayo paghinaan ng loob. Wala tayong ibang magagawa kundi ang magtiyaga at maghintay. Tiis tiis lang kabayan, pasasaan ba at magbubunga din ng maganda ang paghihintay mo.