Parang kailan lang, ang mga tao ay nagsisipredict kong ano ba talaga ang mangyayari sa crypto. Lalo na yung mga panahong bearish ang market, na bumaba ng hanggang $15k ang presyo. Siguro nasa isip ng karamihan na hindi na siguro ito aakyat o baka matatagalan pa ito bago abutin uli yung ATH. Kahit nga sa makalipas na taon, taong 2023, may nagsasabi na magkakaroon pa ng manipulation bago abutin ang tuktok, at isa na ako dun. Pero anong nangyari? Hindi pa nga dumating ang halving ay umabot na ang presyo ng $69210 base sa Bitstamp.
Isang napakalaking tagumpay ito sa Bitcoin at sa mga may holding sa Bitcoin, lalong-lalo na sa mga taong nakabili sa tuktok at hindi binenta hanggang ngayon. Napakalaki ng tiwala nyo sa Bitcoin!
Masasabi ko lang na ang Bitcoin ay hindi na gaya ng dati na madaling manipulahin, kasi mas dumarami na ang mga holders ng Bitcoin at kapag may gustong magbenta ng malaki ay maraming handang saluhin ito.
Hindi pa totally nag-break sa ATH pero isang magandang senyales na ito na napakapossible talaga na abutin ang $100k lalong-lalo na may halving pa.