Ayon sa balitang ito, BITCOIN GREW 82,000% IN 7 YEARS BUT ‘DIED’ 91 TIMES IN 2018 at nai-post ko ito sa Balita Cryptocurrency. Dahilan na rin sa pag-nanais kong mag-karoon ng magandang talakayan sa nasabing paksa kaya naman minarapat ko na gawin ang thread na ito.
TANONG: Sa inyong palagay, ano ang kahihinatnan ng Bitcoin sa darating na taong 2019? Daranasin din kaya ng Bitcoin ang sinapit niya ngayong taon? Mangyari na ibahagi ang inyong saloobin. Manigong Bagong Taon sa lahat!
ang nangyari nong 2018 kay isang napakalaking market correction. sa tingin ko may nag manipula nong market ng nagdaan taon 2017 kaya umabot ito sa pinaka mataas nito na presyo $20000. yun sumunod na taon ang nag durusa sa napakahabang market correction.. further, kahit sa stock market bumaba din yun 2018 na pricebnaka dagdag pa yun sa kawalang gana ng ibang investor na mag invest sa bitcoin. Optimistic naman ako pagdating ng 2019, siguro naman magsisimula narin itong tumaas mataas pumalo ang BTC sa $3K na market value.