Tulad ng aking inaasahan ay mangyayari nga ang aking prediction na ang pwedeng pinakasagad na ibababa ni Bitcoin ay nasa around 50 000$ tapos magrecover siya ulit ng konti sang-ayon sa consolidation na nakikita na aabutin pa naman ito ng ilang buwan bago sa pagtake-off ni bitcoin sa merkado.
Kaya tulad ng sinasabi parin ng ilan at aking naiisip parin ay magandang chances ito na bumili at magdca sa mga altcoins na nais nating bilhin at ihold sa long-term o bull run mismo ng bitcoin.
Pag alam mo ang market mag DDCA ka lang sa alam mong dip o mga support area pero kung random lang mag dca at patuloy lang ang pagbagsak na sayang ang opportunity na makabili ng masmababa.
Kailangan din talaga ng sariling analysis pag dating sa DCA sakin nga sa futures ako nag ddca para makapag loan din sa leverage kahit papano pag umakyat mas malaki ang profit ko basta hindi lang mahit ang liquidation limit ko pero malayo dahil gumagamit naman ako ng mababang leverage atleast yung maliit na puhunan ko e lumaki dahil sa leverage yun nga lang hindi ko totally own yung altcoin pero pag tumaas at nagka profit once na binatawan ko na yung position pwede ko naman sya ilipat sa spot.
Sa ngayon sideway ang galawan ni Bitcoin at napaaga yung breakout parang trap nga ito sa mga naka short isa nako sa nakaset ng short at sana bumaba ng konti at ok na ko dun para maiclose ko na yung position ko kasi perang delikado at parang mag bounce ang price pataas e.