Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Mga palitan at crypto sites => Topic started by: Polar91 on October 13, 2020, 07:22:04 AM

Title: "Aming Magnificent 7" ang tatanggap ng Algorand Grant para Agosto at Septiyembre
Post by: Polar91 on October 13, 2020, 07:22:04 AM
Tandaan: Ito ay pagsasalin lamang

Narito ang orihinal na artikulo: “Our Magnificent 7”: Algorand Grant recipients for August and September (https://algorand.foundation/our-magnificent-7) na akda ng Algorand Foundation


(https://i.imgur.com/mN49Wo6.jpg)

Ika-1 ng Oktubre, 2020 - Ang Agosto at Septyembre ay dalawang abalang buwan para sa komunidad ng Algorand. Sa mga panahong ito, ay nagkaroon ng tayo ng pamamahagi ng pitong iba pang mga Algorand Foundation Grant para sa mga katangi-tanging mga tatanggap. Ang Algorand Foundation 250M ALGO Grant Program ay sumusuporta sa mga grant application na kabilang sa apat na kategorya: Pagpapaunlad ng mga Tool at Imprastraktura, Mungkahi para sa Pananaliksik, mga Aplikasyon at mga Use Case, at sa larangan ng Edukasyon at Komunidad

Kami ay nasasabik sa lawak ng kapasidad ng mga kamakailan lang ay napagkalooban ng grants, dahil magmula sa bawat kategorya ng grants ay mayroong tatanggap ng grant. Ang mga tatanggap at ang kanilang mga proyekto ay makakatulong upang mapaunlad ang larangan ng pagpapaunlad ng mga tool, imprastraktura, at pananaliksik na kinakailangan para maisagawa ang pagbuo ng mga aplikasyon sa ekosistema ng Algorand sa mas pinakamadaling paraan na posible. Nais naming ibahagi sa inyo ang mga proyektong ito. Maaari kayong mapanatiling updated sa mga anunsyo patungkol sa Algorand Foundation Grant Program at sa mga pinaka bagong balita tungkol sa Algorand Foundation sa aming website sa aming mga opisyal sa social media account na kinabibilangan ng Twitter at LinkedIn. Maari niyo ring tingnan ang aming channel sa telegram upang makilala at makasalamuha ang aming mga developer sa aming Algorand ecosystem. Ang mga developer ay maaaring bumisita sa aming developer portal doon na kung saan maaaring makisalamuha, makibahagi, sa aming mga dev forum, mga mapagkukunan, mga solusyon at mga tutoryal.

Ang mga tatanggap ng grant ay:


Maaari niyong tingnan ang komprehensibong listahan ng mga tatanggap ng grant na mula sa Algorand Foundation 250M ALGO Grant Program ngayong taong 2020 na makikita dito (https://algorand.foundation/2020-grant-recipients).