Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Off topic => Topic started by: Ozark on October 06, 2018, 03:36:43 PM

Title: Ano ba ang panuntunan sa pag-post ng quality?
Post by: Ozark on October 06, 2018, 03:36:43 PM
Hello, mga mod, lalong lalo na sa 17-year old na mod, ano ba ang panuntunan sa pag-post ng quality dito sa Usapang Presyo? Ano ba ang "quality penalty" na sinasabi mo? Maari bang mag-bigay kayo ng ehemplo?

Quote
May mga kababayan na tayong nasampolan dito na kung saan binaba ang kanilang ranggo dahil sa labis na pagpopost dito sa usapang presyo, o mas kilala bilang quality penalty. Kaya sana huwag nating abusuhin

No offense, pero nakita ko ang iyong mga posts mod Unknown, wala akong nakitang matino na mga pangungusap sa wikang Pilipino. Kaya huwag mong ipag-mayabang ang mga ini-rekomenda mo na nasampolan na hindi quality ang dahil ang iyong mga post wala di sa ayos at di rin quality. Ganyan marahil ang iyong gawain sa bitcointalk silipin ang mga kapwa Pinoy at isumbong sa halip na tulungan. Di maganda ugali mo, bata...maraming napapahamak sa ganyan.

Sa aking pagkaka-alam, kapag sinabing Usapang Presyo, sa wikang Inglis "Price Talk" ang pinag-uusapan o ang tinatalakay ay PRESYO, at sapagkat 'cryptocurrency' ang mga tinatalakay natin dito kada segundo nag-iiba ang kanilang presyo. Kaya ang tanong, hindi ba maaring mag-post o sumagot sa 'thread' para ibahagi ang pag-babago ng presyo? Oo nga't maaari natin itong matunghayan sa mga 'exchanges' o 'CoinMarketCap', ano naman ang silbi ng seksyon o 'board' na ito kung sa mga 'exchanges' at 'CoinMarketCap' pa tayo pupunta?
Title: Re: Ano ba ang panuntunan sa pag-post ng quality?
Post by: sisamee on October 06, 2018, 06:45:46 PM
Agree ako sayo kabayan na may lakas ng loob ka na sabihin ito sa mod natin dito, kasi last na post ko dito hindi pa ganito ka higpit sa forum nato at halos lahat may respeto sa isat-isa at nag tulong tulongan, nalulungkot lang ako bakit kailangan ipagtabuyan ang ating mga kababayan dito at palipatin sa ibang forum parang ang bastos naman ata nun.
(https://i.imgur.com/Jth0ica.jpg)
Pansinin mo ngayon kabayan kung sino nag popost sa off-topic ---- https://www.altcoinstalks.com/index.php?topic=58875.0
wala ng mga kapwa mo nag popost doon.
Title: Re: Ano ba ang panuntunan sa pag-post ng quality?
Post by: Ozark on October 06, 2018, 07:22:22 PM
Hahaha! Dahil diyan nag-karoon ako ng negative karma. Okay lang, kakarmahin din iyon kung sino man siya.

Huling post ko na rin ito sa Usapang Presyo... hindi ko alam na bawal palang pag-usapan o talakayin dito ang presyo ng mga crypto.
Title: Re: Ano ba ang panuntunan sa pag-post ng quality?
Post by: MaluWang on October 09, 2018, 01:44:02 PM
Quality?! Parang di naman tayo nakapag-aral ng asignaturang Filipino kapag di natin alam kung ano Quality. Kaiilangan syempre dapat "kumpletong pangungusap", complete sentence sa Inglis.

Ano ba ang pangungusap? Ang pangungusap ay ang kalipunan ng mga salita na nagsasaad ng isang kaisiapan o buong diwa. Ito ay may simuno at panaguri. Halos lahat na mga posts dito sa Philippine Board di masasabing Quality dahil di sila kumpletong pangungusap, ang tawag sa kanila ay mga Parirala.
Title: Re: Ano ba ang panuntunan sa pag-post ng quality?
Post by: Jun on October 19, 2018, 06:03:13 AM
 madali kang intindihan ang de kalidad na post ,nadjan na yan ang magalang na panalita at tamang pagbigkas at respito sa kapwa kahit ano pa ang katayuan natin o estado sa buhay kailangang naka package na sa ating sarili para makagawa tayo ng quality post