follow us on twitter . like us on facebook . follow us on instagram . subscribe to our youtube channel . announcements on telegram channel . ask urgent question ONLY . Subscribe to our reddit . Altcoins Talks Shop Shop


This is an Ad. Advertised sites are not endorsement by our Forum. They may be unsafe, untrustworthy, or illegal in your jurisdiction. Advertise Here Ads bidding Bidding Open

Author Topic: "Aming Magnificent 7" ang tatanggap ng Algorand Grant para Agosto at Septiyembre  (Read 1729 times)

Offline Polar91

  • Baby Steps
  • *
  • Activity: 39
  • points:
    1660
  • Karma: 0
  • Trade Count: (0)
  • Referrals: 0
  • Last Active: January 06, 2021, 11:12:24 AM
    • View Profile

  • Total Badges: 8
    Badges: (View All)
    10 Posts First Post Third year Anniversary
Tandaan: Ito ay pagsasalin lamang

Narito ang orihinal na artikulo: “Our Magnificent 7”: Algorand Grant recipients for August and September na akda ng Algorand Foundation



Ika-1 ng Oktubre, 2020 - Ang Agosto at Septyembre ay dalawang abalang buwan para sa komunidad ng Algorand. Sa mga panahong ito, ay nagkaroon ng tayo ng pamamahagi ng pitong iba pang mga Algorand Foundation Grant para sa mga katangi-tanging mga tatanggap. Ang Algorand Foundation 250M ALGO Grant Program ay sumusuporta sa mga grant application na kabilang sa apat na kategorya: Pagpapaunlad ng mga Tool at Imprastraktura, Mungkahi para sa Pananaliksik, mga Aplikasyon at mga Use Case, at sa larangan ng Edukasyon at Komunidad

Kami ay nasasabik sa lawak ng kapasidad ng mga kamakailan lang ay napagkalooban ng grants, dahil magmula sa bawat kategorya ng grants ay mayroong tatanggap ng grant. Ang mga tatanggap at ang kanilang mga proyekto ay makakatulong upang mapaunlad ang larangan ng pagpapaunlad ng mga tool, imprastraktura, at pananaliksik na kinakailangan para maisagawa ang pagbuo ng mga aplikasyon sa ekosistema ng Algorand sa mas pinakamadaling paraan na posible. Nais naming ibahagi sa inyo ang mga proyektong ito. Maaari kayong mapanatiling updated sa mga anunsyo patungkol sa Algorand Foundation Grant Program at sa mga pinaka bagong balita tungkol sa Algorand Foundation sa aming website sa aming mga opisyal sa social media account na kinabibilangan ng Twitter at LinkedIn. Maari niyo ring tingnan ang aming channel sa telegram upang makilala at makasalamuha ang aming mga developer sa aming Algorand ecosystem. Ang mga developer ay maaaring bumisita sa aming developer portal doon na kung saan maaaring makisalamuha, makibahagi, sa aming mga dev forum, mga mapagkukunan, mga solusyon at mga tutoryal.

Ang mga tatanggap ng grant ay:

  • AlgoSwap: Grant sa Pagpapaunlad ng mga Tool at Imprastraktura - pahihintulutan ng AlgoSwap ang mga trader na makipagpalitan ng arbitrary fungible Algorand Standard Assets. Pinapayagan ng AlgoSwap ang Algorand ecosystem at ang network na umunlad sa pagkakaloob ng viable na proyekto na may kinalaman sa mga smart contract na magpapaunlad sa mga bagong developer habang inaaral nila ang pagbuo ng mga DeFi app sa Algorand.
  • Algorand IntelliJ: Grant sa Pagpapaunlad ng mga Tool at Imprastraktura - Nagkakaloob ng end to end development na suporta para sa TEAL scripting sa Intellij IDE. Gagamitin ang paggawa sa pamamagitan ng front end, na ang proseso ng pagpapaunlad ay ginagamitan ng web. Pagsusuri sa pagsasaayos ng account, faucet integration, pag-sign ng transaksyon at iba pa na direktang nanggagaling sa IDE. Ang proyekto ay sumusuporta sa kasalukuyang naming layunin at suporta sa mga developer na siyang humahanap kung paano mabisang magagamit ang blockchain na madaling gawin at paunlarin pa.
  • Obsidian Labs vscode extension: Grant sa Pagpapaunlad ng mga Tool at Imprastruktura - Ang kakaiba, maliwanag at maunlad na ekosistema ay napaka importante para sa Algorand Foundation at sa komunidad. Ang grant na ito ay nagkakaloob sa Obsidian Labs na gumawa ng isang kagamitan na mayroong maraming mga tampok, mas suportadong mga developer na nagnanais bumuo gamit ang Teal at PyTeal smart contracts sa Algorand.
  • Blockchain Acceleration Foundation: Grant para sa Pananaliksik - Ang grant na ito ay iginagawad sa proyekto ng University Coin Market Research para sa pananaliksik sa mga pag-uugali patungkol sa mga digital currency at upang maunawaan ang mga use case para sa mga stable coin sa mga nasasakupan ng mga campus ng unibersidad sa U.S at sa mga komunidad na nakapaligid dito. Ang mga resulta ng pag-aaral ay makakatulong upang malaman ang pag-unlad at ang paggamit ng mga campus sa makabagong teknolohiya ng pagbabayad na pinagagana ng Algorand.
  • Prof. Nicola Dimitri: Ang Ekonomiya ng Algorand: Grant para sa Pananaliksik - Ang pag-aaral ng dinamiko o galaw, na partikular sa matagal nang umiiral na kilos ng ekonomiya alinsunod sa PoS, na kasama ng Economics of Consensus sa Algorand. Si Prof. Dimitri ay maglalaan ng makabagong pananaliksik patungkol sa ekonomiya sa Algorand at Proof of Stake consensus. Si Prof. Dimitri ay isang iskolar na lubos na ginagalang sa pagkakaroon niya ng mga nailathalang mga gawain patungkol sa iba't-ibang mahahalagang mga journal.
  • Trust Graphic Novel: Grant para sa Edukasyon at Komunidad - Ang Trust ay isang grapikong nobela na nagbabahagi kung paano ang blockchain ay mayroong kakayahang magpabago, para mapalawig ang komunidad ng blockchain sa buong mundo upang mapagsama ang mga ekonomiya at mga lugar, kung saan ang buhay ng mga tao ay mababago sa pamamagitan ng mga cryptocurrency. Ang pagsuporta sa proyektong ito ay ipinapakita ang kasalukuyang layunin ng Algorand Foundation na magbigay kaalaman at adbokasiya patungkol sa blockchain maging sa labas ng Western Hemipshere, ang pagpapalawak ng dami o bilang ng mga lokal na mga developer at ang mga komunidad sa mga rehiyong ito.
  • Scriptorium Printing Solutions PVT LTD: mga Aplikasyon at mga Use Case - Tumataas ang kaso ng pandaraya o pamemeke ng mga sertipiko sa bansang India dahil sa kawalan at kakulangan ng isang isang ligtas na storage space at ng madaling paraan upang masiguradong lehitimo o orihinal ang mga sertipiko. Ang grant na ito ay iginagawad para sa pagbuo ng isang decentralized application (DApp) na naka-ayon sa Algorand blockchain network na siyang mamamahala sa mabilis at madaling paraan ng pag-iisyu at pagsisiguro na lehitimo ang mga sertipikong ilalabas digitally. Ang karangalan para sa grant na ito ay para sa pamamahala sa pagbuo at pagsasagawa ng iba pang DApp sa ecosystem, ang isa ay nakalaan para sa use case na magiging solusyon sa lumalaganap na problema, at ito ay may kaugnayan sa nangyayaring pandaraya at pamemeke ng mga sertipiko o legal na dokumento sa bansang India.

Maaari niyong tingnan ang komprehensibong listahan ng mga tatanggap ng grant na mula sa Algorand Foundation 250M ALGO Grant Program ngayong taong 2020 na makikita dito.


« Last Edit: October 13, 2020, 07:39:00 AM by Polar91 »

Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum


This is an Ad. Advertised sites are not endorsement by our Forum. They may be unsafe, untrustworthy, or illegal in your jurisdiction. Advertise Here Ads bidding Bidding Open


 

ETH & ERC20 Tokens Donations: 0x2143F7146F0AadC0F9d85ea98F23273Da0e002Ab
BNB & BEP20 Tokens Donations: 0xcbDAB774B5659cB905d4db5487F9e2057b96147F
BTC Donations: bc1qjf99wr3dz9jn9fr43q28x0r50zeyxewcq8swng
BTC Tips for Moderators: 1Pz1S3d4Aiq7QE4m3MmuoUPEvKaAYbZRoG
Powered by SMFPacks Social Login Mod