follow us on twitter . like us on facebook . follow us on instagram . subscribe to our youtube channel . announcements on telegram channel . ask urgent question ONLY . Subscribe to our reddit . Altcoins Talks Shop Shop


This is an Ad. Advertised sites are not endorsement by our Forum. They may be unsafe, untrustworthy, or illegal in your jurisdiction. Advertise Here Ads bidding Bidding Open

Author Topic: Ang Finance 3.0 :- Ang Algorand at DeFi  (Read 1764 times)

Offline Polar91

  • Baby Steps
  • *
  • Activity: 39
  • points:
    1660
  • Karma: 0
  • Trade Count: (0)
  • Referrals: 0
  • Last Active: January 06, 2021, 11:12:24 AM
    • View Profile

  • Total Badges: 8
    Badges: (View All)
    10 Posts First Post Third year Anniversary
Ang Finance 3.0 :- Ang Algorand at DeFi
« on: October 13, 2020, 07:55:32 AM »
Tandaan: Ito ay pagsasalin lamang

Narito ang orihinal na artikulo: Finance 3.0 :- Algorand & DeFi na akda ni Sumit Shukla


Ang usapin patungkol sa pinansyal ay palaging isang kamangha-manghang paksa para sa nakararami ngunit sa kabila nito, ang larangang ito ang may pinakamababa o kakaunting pagbabago. Ang sangkatauhan ay masyado nang matanda o makaluma ngunit hanggang sa ngayon mayroong dalawang pangunahing bagay na palaging kasama sa sektor na ito, ang una ay ang sistema ng barter o palitan at ang sistema ng Fiat na kasunod nito, ang huli sa pinakamalaking pagbabago na siyang magdadala patungo sa paglago ng ating pangkasalukuyang sistema ng pinansyal at ng tradisyunal na paggamit ng bangko. Ang industriyang ito ay talagang nangangailangan ng pagbabago. Kung ating ikakategorya itong dalawang huling pagbabago bilang Finance 1.0 at Finance 2.0, ang susunod na kategorya na ng pagbabago sa industriya ay tatawagin ng Finance 3.0.

Ang Finance 3.0 ay magiging nariyan upang resolbahin o solusyunan ang mga isyu at problema na patungkol sa sentralisasyon, kakulangan sa pagiging transparent nito, mataas na pataw ng bayad, at ang sistemang nalulubog sa masalimuot sa mga regulasyon na siyang pumipigil o nagiging hadlang upang magkaroon ng pagbabago. Naniniwala ang Algorand Foundation na ang teknolohiya ng blockchain ang siyang magbubukas sa Finance 3.0 (Decentralized Finance) at susuporta sa isang bukas, borderless economy. Sa artikulong ito, mas kilalanin pa natin ang Finance 3.0 magmula sa kalaliman o kalooban nito, ang DeFi at ang papel na gagampanan ng Algorand Blockchain.

Finance 3.0


Ang Finance 3.0 ay naglalayong ibigay ang kontrol sa mga gumagamit. Ang blockchain ay gagawa ng transparency, kung saan ang kontrol sa ating mga datos ay nakasalalay sa ating mga kamay, hindi katulad ng pangkasalukuyang sistema na kung saan ay mayroong kakulangan sa transparency, isang halimbawa, hindi natin alam kung saan nga ba napupunta ang ating pera matapos nating maideposito sa bangko. Magkakaroon ka ng kakayahan na malaman kung nasaan ang pera mo at pagdating sa usapin ng mga proyekto na siyang mamamahala sa pagsasagawa nito, ang unang pangalan na pumapasok sa isip ko ay ang Algorand Foundation na siyang aktibo nagpapakilala sa Finance 3.0 sa iba't-ibang paraan. Ang pangunahing ideya na ipakilala ang Finance 3.0 ay ang isang grant mula sa Algorand Foundation na iginawad sa LongHash Ventures para sa Algorand Asia Accelerator program. Ang layunin ng Algorand Asia Accelerator ay humimok at matagumpay na maisakatuparan ang pagpapaunlad ng blockchain sa mga partikular na synergy sa pamamagitan ng Finance 3.0 at higit pa, nagbibigay kapangyarihan sa mga proyekto upang bumuo, magpalago, at paunlarin ang mga pagbabagong patungkol sa pinansyal sa ecosystem ng Algorand. Mayroon akong isinapublikong artikulo para sa programang ito na kawili wiling basahin kung ikaw ay talagang interesado sa Algorand Asia Accelerator program.

Ang DeFi ay isang mainit na paksa sa ngayon ngunit ang DeFi ay simula pa lamang ng rebolusyon na may kaugnayan sa Finance 3.0.


Decentralized Finance


Ano ang DeFi?

Ang DeFi ay patungkol sa mga serbisyong pinansyal na gumagamit ng smart contracts, kung saan ang mga ito ay automated enforceable agreements na hindi na kinakailangan ng taga pamagitan katulad ng bangko o abogado at bagkus ay gumagamit na lamang ng teknolohiya ng blockchain. Ang pangako ng cryptocurrency ay gawing accessible sa lahat ng dako ng mundo ang pagpapadala ng pera at proseso ng pagbabayad - sa lahat ng tao, sa kahit saan mang lugar sila naroroon sa mundo.

Mas pinalawig ng Decentralized Finance (DeFi) o Open Finance ang pangakong iyon. Kung iisipin sa buong mundo, mayroong bukas na alternatibong paraan sa bawat serbisyong pampinansyal na ginagamit mo sa ngayon - savings, loans, trading, insurance at iba pa - ay magiging accessible na sa lahat ng tao sa buong mundo sa pamamagitan ng mga smartphones at internet connection.

Ang smary contract at programang pinapatakbo sa blockchain na siyang awtomatikong nagpapagana sa oras na ang lahat ng kondisyon ay nasunod. Ang mga smart contracts na ito at hinahayaan ang mga developers na bumuo ng higit pa sa inaasahang pagpapagana kumapara sa simpleng pagpapadala at pagtanggap ng mga cryptocurrency. Ang mga programang ito ay ang kung tawagin natin sa ngayong mga desentralisadong apps, o dapps. (Pinagkunan Coinbase)

Bakit natin kailangan ang DeFi?

Kung walang anong mang mahalagang gamit, ang DeFi ay hindi maaring tawaging rebolusyunaryo. Ngunit, ang DeFi ay mayroong maraming mahalagang gamit at maraming potensyal na magbigay ng mas maayos na sistemang may kaugnayan sa pinansyal kung ikukumpara sa pangkasalukuyang sistemang pinansyal ng Fiat. Ang kasalukuyang sistema ng pinansyal ay may kakulangan sa usaping transparency at ang kontrol ay itinatalaga sa mga sentralisadong bangko ang mga institusyong pangpinansyal. Kailangan natin ang DeFi dahil ito ay nagdadala o nagkakaloob ng transparency. Ang DeFi ay hindi kinakailangang mapasailalim ng kontrol ng isang institusyong pangpinansyal — gumagamit ito ng dapps na awtomatikong namamahala sa transakyon. Sa mundo ng trading o pagpapalitan halimbawa, papayagan nito ang mga nagbebenta at mamimili na maghati sa itinakdang presyo at trade na hindi kinakailangan ng taga-pamagitan o kahit ng isang pormal na taga-pamalit o exchange. Ito ay matatawag nating rebolusyunaryo. Sa usaping pinansyal, ang transparency at ang kontrol ay mga pinaka mahahalagang bagay at ang DeFi ay nagkakaloob ng 100% sa mga gumagamit nito, kung kaya ito ang aking paliwanag kung bakit natin kailangan ang DeFi.

Ano ang magagawa natin sa DeFi?


Kung hindi tayo magiging parte ng isang rebolusyon o pagbabago, magiging mababa ang epekto nito sa ating mga kaisipan. Ngunit ang DeFi ay hindi lamang ekslusibo at bukas para sa lahat. Sa panimula ng bawat rebolusyon, mayroong mga limitadong bagay na maaari nating gawin sa larangang ito. Ang mga tao ay masyadong nahihibang at lubos ang pagkasabik sa kung ano ang mga posibleng gamit ng DeFi sa hinaharap at kung anong dulot ang dala nito sa industriyang patungkol sa serbisyong pinansyal sa hinaharap. Sa ngayon, ang panghihiram at pagpapautang ang pinaka sikat o popular pero mayroon ding mga pagpipilian sa kung paano magkakaroon ng interes sa iyong mga deposito. Ang mga desentralisadong mga palitan ay isa ring malaking industriya at mayroon pang maraming kapana-panabik na posibleng mangyari sa larangang ito sa pang-araw-araw.


Ang Algorand Foundation ay isang core team sa likod ng pamamahala ng mga protokol ng Algorand at sinisikap ang trabaho upang makapagbigay ng maayos na serbisyong pinansyal para sa lahat.

Ang Algorand Foundation katuwang ang Algorand Inc. kamakailan lamang ay nag anunsyo patungkol sa paglulunsad ng mga komprehensibong smart contract capabilities na magpapahintulot sa pagbuo ng mga solusyon gamit ang DeFi at dApps na magagamit ng bilyong mga tao, na kakayanin ang milyong mga transaksyon sa araw araw, na hindi bibigyang pansin ang pataw na bayad sa pagsasagawa ng transaksyon, habang sinasamantala ang layer-1 na benepisyong kaugnay sa protokol ng Algorand. Hindi katulad sa mga unang-henerasyon ng blockchain, ang plataporma ng Algorand ay dinisenyo mula sa pinakasimple hanggang sa kumplikadong power applications na nangangailangan ng bilis, sukat, pagka-pinal, at seguridad, habang sinisigurong abot-kaya at wasto o eksakto ito. (Pinagkunan: PRNewswire)

Ang nagtatag ng Algorand, na si Silvio Micali, ay naghayag patungkol sa panibagong set na mga kakayahan ng smart contract na kung saan ay mayroong mababang bayad sa pagsasagawa ng transaksyon na siyang sisiguro na ang Algorand ay magiging mas mabilis at mas epektibong lugar para sa mga aktibidad na may kaugnayan sa DeFi — katulad ng yield farming.

Kung nais niyong malaman ang iba pang detalye tungkol sa Algorand Foundation ay maaari niyong bisitahin ang kanilang opisyal na website.

Ang Algorand ay handa na sa DeFi!

Ang kamakailan lamang na protokol ng Algorand na inilabas noong buwan ng Agosto 2020 at ang paglalabas ng layer-1 smart contract ang siyang nagpapatunay na handa na ang Algorand sa DeFi na kung saan ito ay magiging panibagong oportunidad para sa Algorand at DeFi.

Ano ang mga limitasyon ng DeFi?

Alam nating lahat na ang rebolusyon o pagbabago patungkol sa DeFi ay nagsimula sa Ethereum. Ang DeFi ay nahihirapang i-scale at magbigay ng kinakailangan bilis na mayroong mababang bayad para sa Ethereum. Ang Ethereum ay mayroon pa ring mga pagkukulang, masyado itong mabagal pagdating sa bilis ng pagsasagawa ng transaksyon at kung ikukumpara natin ito sa iba pang mga blockchain at ang matataas na bayad kamakailan lang ay isang limitasyon nito. Isa itong malaking balakid o hadlang sa umuusbong at umuunlad na ekosistema.

Mga Solusyon ng Algorand

Ang isang bagay na pumipigil sa Algorand upang imbitahan ang DeFi sa blockchain ay nasolusyunan na alinsunod sa mga na-update na smart contracts kamakailan lang, na nakabase at pinahintulutan sa layer-1. Ang kamakailan lang na pag-upgrade sa mga protokol ay nagbukas ng bagong pintuan o pag-asa sa Algorand Blockchain para sa DeFi.

Ang Algorand ay scalable at hindi naiipit sa mga isyung may kaugnayan sa scalability, kung saan natatamasa ang mabilis na pagsasagawa ng transaksyon at may kayahan na pangasiwaan ang mahigit sa 86 na milyon na transaksyon kada araw. Ang daming ito ay malaki kung ikukumpara sa iba pang blockchain, kagaya ng Ethereum. Patungkol naman sa bayarin, ang presyo ng pagsasagawa ng transaksyon ay nasa 0.001 algo kada transaksyon kung saan ito ay abot kaya.

Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Ang Finance 3.0 :- Ang Algorand at DeFi
« on: October 13, 2020, 07:55:32 AM »

This is an Ad. Advertised sites are not endorsement by our Forum. They may be unsafe, untrustworthy, or illegal in your jurisdiction. Advertise Here Ads bidding Bidding Open


 

ETH & ERC20 Tokens Donations: 0x2143F7146F0AadC0F9d85ea98F23273Da0e002Ab
BNB & BEP20 Tokens Donations: 0xcbDAB774B5659cB905d4db5487F9e2057b96147F
BTC Donations: bc1qjf99wr3dz9jn9fr43q28x0r50zeyxewcq8swng
BTC Tips for Moderators: 1Pz1S3d4Aiq7QE4m3MmuoUPEvKaAYbZRoG
Powered by SMFPacks Social Login Mod